top of page
Search
BULGAR

Mula sa mga regalo nina Boyet, Kris, Tonton, etc… LOLIT, P1.9 M ANG KINITA NU’NG B-DAY

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 1, 2024



Showbiz News
File Photo: Lolit Solis / IG

Waging-wagi si ‘Nay Lolit Solis sa nakaraang birthday niya dahil sa mga natanggap niyang regalo in cash and in kind mula sa mga artista kabilang na ang kanyang mga alaga.


Sa video na in-upload ng entertainment editor na si Salve Asis ay mapapanood ang tsikahan nila tungkol sa mga regalong natanggap ni ‘Nay Lolit sa kanyang 77th birthday last May 20.


Sey ni 'Nay Lolit ay P1.9M daw ang kanyang kinita nu’ng birthday niya na ikinaloka rin niya.


“P1.9M. Naloka nga ako,” aniya.


Ang alaga raw niyang si Christopher de Leon ay 100 thousand pesos ang ibinigay habang si Kris Aquino naman ay 77 thousand pesos bilang 77 years old na siya. 


Ang isa pa niyang alagang si Tonton Gutierrez ay P60K naman daw ang regalo.


Isa sa mga bonggang natanggap din ni ‘Nay Lolit ay ang boxing gloves mula kay Manny Pacquiao na may signature pa nito.


Bongga, ‘di ba naman? Pak na pak!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page