top of page
Search
  • BULGAR

Mukha raw may sakit, adik, etc… PIKTYUR NI BILLY NA SUPER-PAYAT AT MALALIM ANG MGA MATA, VIRAL

ni Julie Bonifacio @Winner | May 9, 2024



Showbiz Photo
Photo: Circulated

Nagulantang sa hitsura ni Billy Crawford ang mga netizens dahil sa kumalat na picture ng singer-TV host sa socmed (social media). 


Humpak ang kanyang mga pisngi, maitim ang ilalim ng kanyang mga mata at mahaba ang kanyang payat na leeg. 


Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens sa nag-viral na hitsura ni Billy. May mga nagsabi na kamukha na niya ang dating child star na si Macaulay Culkin.


Comment ng iba, parang may sakit si Billy. Ang ilan naman, sinasabing gumagamit daw ng ilegal na droga ang singer-TV host.


Sey ng mga netizens…


“Para siyang may sakit.”


“I think he needs medical attention. Wala bang taga-showbiz industry na makakatulong sa kanya? God bless, Billy.”


“Hyperthyroidism siguro.”


“Bulimia na.”


Sabi naman ng iba, baka diabetic na si Billy. 


At meron ding nagsabi na ang kanyang pagpayat ay dahil sa depression.


Ang ibang komento naman ng mga netizens, “He is depressed.” 


“He looks malnourished.”


Tsika naman ng isang netizen, may kinalaman sa pagsali ni Billy sa isang dance contest ang kanyang pagpayat.


“Ano ang nakakatawa? Nangayayat s’ya dahil sa pagsayaw, and I think, that's healthy. Sa kanya na rin nanggaling na he stopped smoking and alcohol.”


“Withdrawal pain.”


Pero may isang netizen ang nagtsika sa socmed na matagal na raw ang picture na ‘yun ni Billy at ibinalitang nagtatrabaho ngayon sa Europe ang singer-dancer.


“I reckoned this picture was long ago. He's looking good actually! My son was working with him with his new album to be released in Europe,” ayon sa netizen.


Natuwa naman ang iba especially ang mga fans ni Billy sa balita.


“That’s good to know, he is very talented.”


“Akala ko present picture ‘yan. I'm a fan of Billy, at wish ko, bumalik 'yung dating Billy na healthy looking.”


“I believed that Billy has a heart condition, and he's trying to resolve his health as of the moment! Yes he's doing great with his music and Europe music tour n’ya!”


Ganern?!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page