top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mukha na raw bomba star… NADINE, IPINASILIP ANG MAITIM NA SINGIT, NILAIT AT INAYAWAN NG NETIZENS

BULGAR
Sep 25, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 25, 2021



Dislike ang comment ng mga netizens sa "new look" ni Nadine Lustre sa piktyur na ipinost niya sa kanyang Instagram kahapon. Ibang-iba kasi ang hairstyle, pati bibig at hanggang sa pasilip na singit ni Nadine sa piktyur.


Nadine is sporting a short hair na nakatayo sa isang corner habang may hawak na green mini-dress with white three-lines sa harap at sa malapit sa laylayan ng magkabilang sleeves.


Sa ilalim ng hawak na damit ni Nadine ay nakalitaw ang suot niyang white underwear kung saan ang bandang ibaba ay kita na ang singit ng ex-girlfriend ni James Reid.

Kaya ang mga netizens, hindi talaga pinalagpas na punahin ang "pasilip" ng singit ni Nadine sa kanyang IG post.


"Dislike."


"Parang taken from a 1970’s bomba magazine."


"Bakit parang pa-Seiko films na ang pictorials?"


Nagtataka naman ang ibang netizens kung bakit nagpakuha ng ganu’n si Nadine.

"Anyare sa ‘yo, besh? Sobrang wild mo na."


"May damit naman po sa loob, illusion n’yo lang naman na pa-wild. This is just sexy. Depende how you’ll look at it."


"Kita na nga ‘yung singit, eh."


"May pasingit, besh. O, ako lang nakakakita. Imagination ko lang ba?!"


Maging ang direktor nina Nadine and James sa blockbuster movie nila na Never Not Love You na si Antoinette Jadaone ay halatang nagulat sa post ng aktres.


Comment ni Direk Tonet, "Ay, o!"


So, bati na pala sina Direk Tonet and Nadine. What a pleasant news, hah?

Anyway, pati kulay ng kanyang nakatago dapat na part ng katawan ay pinuna rin ng mga netizens.


"Consistent ‘yung “dark” part sa singit sa line ng legs niya na connected sa singit, so shadow lang ‘yun. Try n’yo ganyang pose, same angle and lighting, magmukhang kuweba singit n’yo.

"Normalize dark singit. It's normal. Only a few are blessed to have even-toned singit."

"Grabe the comments. Wig lang ‘yan for photoshoot!"


Pinuri naman ng mga fans ni Nadine ang kanyang short hair.

"Cute bagay naman sa kanya."


"Hot, maganda ‘yung hair. Nice shot."


"Wig lang naman ‘yan para sa shoot ng mag-cover."


Say naman ng ibang netizens, hayaan na si Nadine dahil happy siya sa pag-e-explore sa sarili.


"Lol. She’s just happy exploring herself. Try n’yo and thank me later."


"Be it 70’s 80’s, 90’s or 20’s, Nadine can pull it off. Hanga talaga ‘ko sa girl na ‘toh. ‘Di natatakot maging iba."


"Ok naman ‘yung explore herself pero no need to share to socmed because she has fans who are still minors. Lalo na ngayong nasa online class sila, mas madalas din silang maka-access ng socmed posts. ‘Di naman lahat ng mga magulang, mababantayan mga anak nila sa harap ng gadgets kasi siyempre, may trabaho rin sila (office or household chores). ‘Di rin lahat techie na marunong maglagay ng mga pangharang sa unsuitable materials online. Konting discretion lang sana on her end as a responsible artist."


May nagsabi rin na kamukha ni Nadine sa short hair-look niya sina Hidilyn Diaz, Rita Daniela, ang international singer na si Miley Cyrus at si Charice Pempengco.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page