MTRCB, UMAMING WA' 'K' SUSPENDIHIN SINA VICE AT ION SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- Oct 2, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 02, 2023

Sinagot ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang tungkol sa labor matters kaugnay ng pagkakapataw ng 12-day suspension sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
It could be remembered that Sen. Bong Revilla, Jr. made an appeal to President Bongbong Marcos para i-lift ang suspension sa nasabing noontime show alang-alang sa mga staff and crew who are under the “no work, no pay” scheme.
Naglabas ng official statement ang MTRCB hinggil dito at sinabing magkaibang issue ang suspension sa show at ang “no work, no pay” sa mga staff.
"Ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na suspendihin ang It’s Showtime at ang “no work, no pay” na polisiya ay dalawang magkahiwalay na isyu. Ang pagpataw ng suspensiyon sa programa ay nagbibigay-liwanag sa mas malawak at mahalagang paksa ng kontraktwalisasyon na kinakaharap ng mga manggagawa na dapat ay nabibigyang-pansin ng mga producer o management ng programa," simula ng pahayag ng ahensiya.
Nakasaad din na mas malaking bagay na dapat tingnan ang hindi pagre-regular sa mga empleyado ng show ng management.
"Ang kawalan ng kita bunsod ng hindi pagre-regular ng mga empleyado, kahit pa ang programa ay umeere nang live sa loob ng anim na araw sa isang linggo — mahigit nang isang dekada itong kalakaran — ay nagbibigay-diin sa mas malaking isyu liban sa ipinataw na labingdalawang (12) araw na suspensiyon ng MTRCB sa programa. "
Hindi rin daw dapat maging hadlang ang ganitong bagay sa tungkulin ng MTRCB na ipatupad ang kanilang alituntunin.
"Taos-pusong nakikiramay ang MTRCB sa mga masisipag na manggagawa na naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya na maaaring maapektuhan sa oras na maipatupad ang suspensiyon, subalit, naniniwala ang Board na ang kawalan ng kakayahan ng Management na i-regularize ang mga manggagawa upang mabigyan sila ng proteksiyon ay dulot ng pasya nito na hindi i-regular ang kanilang mga empleyado, at hindi dapat ito maging balakid sa tungkulin ng MTRCB na gawin ang mandato nito sa pagtiyak sa ethical compliance ng mga palabas ng mga production companies at television networks alinsunod sa Presidential Decree No. 1986," pahayag ng MTRCB.
Isa pang nilinaw ng ahensiya ay wala sa hurisdiksiyon nila ang pagsuspinde sa mga hosts na nakitaan ng violation sa show tulad na lang nina Vice Ganda at Ion Perez na matatandaang inireklamo ng mga netizens dahil sa icing lick incident, na humantong para pag-aralan at i-review ng Hearing and Adjudication Board ang naturang insidente at magkaroon ng 12-day suspension.
"Ang pagsuspinde o pagdisiplina sa mga hosts ay nasa kamay ng producer o management ng programa. Ito ay gawain din ng ibang noontime shows. Binibigyang-linaw muli ng MTRCB na wala sa kapangyarihan, hurisdiksiyon, o mandato nito ang magsuspinde ng host/s ng isang programa," pagtatapos ng statement.





Comments