MOVIE NINA ALDEN AT BEA, TULOY NA TULOY NA

ni Nitz Miralles - @Bida | January 22, 2021

Mukhang tuloy na nga ang movie nina Alden Richards at Bea Alonzo na co-produced ng Viva Films at GMA Pictures dahil sa latest interview sa Kapuso actor, nabanggit na kasama sa mga projects niya this year ang paggawa ng pelikula.
Hindi siya nag-elaborate, pero dahil ang movie nila ni Bea lang naman ang nabalita, ito na nga ‘yun.
Kung masusunod ang schedule ng Viva Films at GMA Pictures, this January na sisimulan ang locked-in shooting ng pelikula at sa Holy Week ang target playdate. Dahil sa pandemic, dito lang daw ang shooting ng A Moment to Remember.
Magiging busy si Alden dahil sa February, balik-telebisyon na ang Centerstage, ang search for Bida Kid na kanyang hino-host with Betong Sumaya at kung saan judges sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos.
Curious kami kung ano ang gagawin ng GMA-7 dahil mga bata ang contestants ng Centerstage. Ano ‘yun, sa kani-kanyang bahay kukunan ang performance ng mga bata?
Also, sa Feb. 15 ay ii-stream sa Netflix ang I Can See You series ng GMA-7 at ang Love on the Balcony episode nina Alden at Jasmine Curtis-Smith ang unang ipi-feature.





Comments