top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

MOVIE NILA NI JILLIAN, GAGASTUSAN NANG BONGGA NI SEN. BONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 17, 2023




IIsang malaking-malaking artista ang kukunin ni Sen. Bong Revilla upang kanyang maging leading lady sa movie nila ni Jillian Ward, na ang working title ay Lagot Ka Sa Tatay Ko!.


Kakausapin pa lang daw ang “big star” na ito, kaya wala pang final announcement ang kampo ni Sen. Bong. Sobrang special ang pelikula kaya naka-walong revisions na ang ginawa. At maganda ang magiging role ni Jillian na gaganap bilang anak ni Sen. Bong sa movie.

Mala-Fernando Poe-Judy Ann Santos ang kanilang tandem, kaya bukod sa may action na, may comedy pa ito.


Kani-kanyang hula ang mga fans at supporters ni Sen. Bong kung sino ang “big star” na kukunin niya bilang leading lady.


May nagsasabing si Vilma Santos ito, o si Sharon Cuneta, puwede rin namang si Judy Ann, oh, ‘di kaya ay si Bea Alonzo?


Anyway, kahit sino sa kanila ang mapili, tiyak na magiging asset din sa movie nina Sen. Bong at Jillian. At tiyak naman na gagastusan ito nang husto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page