top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

MOVIE NG BUHAY NI MAYOR ISKO, 'DI NATULOY IPALABAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 02, 2021




Naudlot ang pagpapalabas ng biopic ng Manila mayor at presidential aspirant na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga sinehan kahapon.


Agad-agad namang naglabasan ang kung anik-anik na espekulasyon ukol sa ‘di pagkakatuloy ng pagpapalabas sa mga sinehan ng YORME: The Isko Moreno Story.


But according to a very reliable source, si Mayor Isko mismo ang kumausap sa mga producers na next year na ipalabas ang YORME.


Gusto raw niyang mas maraming youth and young adults — na sa kasalukuyan ay binabakunahan — ang makapanood at ma-inspire sa kuwento ng kanyang buhay .


Gusto niya rin na may direktibang mas malaki na ang audience capacity ng mga sinehan para mas marami pang tao ang makakapanood sa pelikula.


Hiningan din namin ng komento ang direktor ng pelikula na si Joven Tan.


Ani Direk Joven, “Siguro 'yung agree ako sa idea na mas madaming kabataan ang makapanood, mas better sa movie.”


Bagama’t hindi tuloy ang showing, may mga nakakasang blocked screening na effort ng mga supporters ng main cast at marami rin ang naka-line-up mula sa private groups na nananalig sa pelikula at kay Yorme.


Last Tuesday ay natuloy ang premiere night ng Yorme na ginanap sa SM City Manila.


Maganda ang naging audience turn-out sa premiere night.


Present si Mayor Isko at sa isang panayam na lumabas sa TV news, inamin nito na napaluha siya nu'ng pinapanood ang pelikula kasi nga, kahit pa nga musical ito, bumalik sa kanyang alaala ang kanyang mga pinagdaanan.


Dumating din ang isa sa tatlong artista na gumanap sa Yorme bilang si Mayor Isko na si McCoy de Leon. Karamihan sa mga manonood ay impressed sa husay nito bilang teen Yorme.


Sa Enero 26, 2022 na ito ipapalabas sa lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page