top of page
Search
  • BULGAR

Movie, na-X rating… KOKOY, TODO-SORRY NA NILAMAS ANG BOOBS NI SUE

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 25, 2024



Mapangahas talaga ang direktor na si Jun Robles Lana dahil halos lahat ng pelikula niya ay nagkakaroon ng slight problem pagdating sa ratings na ibinibigay ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.


Ang latest movie niyang Your Mother’s Son ay binigyan na ng X rating ng MTRCB pero inapela ito ni Direk Jun kasama ang co-producer ng IdeaFirst Company na si Direk Perci M. Intalan kaya sa ikalawang review ay naging R-18 na ito at maraming eksenang tinanggal.


Ani Direk Jun, “When it comes to sex, we don’t want to talk about it. We don’t want to confront it. But it’s so part of our lives. It’s how we use power sometimes, 'di ba? Using sex. So para sa akin, parang ewan ko, maybe we’re just liberated people. Para sa akin, ano ba 'yung big deal du'n? We’re just telling a story.


“We’re just really telling a story, but you know, if they have a problem with that, ikukuwento pa rin namin without compromising our mores and our integrity.”


Naikumpara ang Your Mother’s Son sa kontrobersiyal na pelikulang Y Tu Mama.


Pero ani Direk Jun, kahit ayaw sana niyang gumagamit ng storyboard sa movie niya dahil boring ang ganito, to be safe ay ginawa niya ito rito na ipinapakita muna niya sa cast para may idea ang mga ito ng kanilang gagawin.


Ang Your Mother’s Son kasama ang Big Night at Die Beautiful na parehong award-winning sa film festivals sa ibang bansa ang opening films ng ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival na mapapanood sa Gateway Cineplex 18 simula sa Abril 12-14. 


Bukod sa screening ay magkakaroon ng Writing Masterclasses, Directors at Writers Roundtables.


Anyway, napanood namin ang Your Mother’s Son at talagang topless kung topless si Sue Prado, ang gumanap na ‘nanay’ nina Miggy Jimenez at Kokoy de Santos na nagpakita rin ng kanilang katawan.


May twist ang pelikula na ikagugulat ng manonood at doon malalaman kung bakit X muna ang ibinigay na rating sa Your Mother’s Son.


Kuwento ni Kokoy ay sinyut nila ang pelikula sa Boso-Boso, Rizal nu’ng taong 2021 at inaming na-excite siyang gawin ang pelikula dahil pamilya ang turingan nila nina Sue, Miggy, Elora Espano at ni Direk Jun kasama si Direk Perci dahil dati silang IdeaFirst artists.


Aniya, “Sobrang na-excite po ako kasi una kong nakatrabaho si Direk sa Die Beautiful, so ito po ‘yung full length. Kaya nu’ng nalaman ko ang karakter ko, wala akong pag-aalinlangan talaga, (dahil) malaki ang tiwala ko at pamilya nga talaga ‘yung pakiramdam lalo na mismo sa set, so, (para kaming) naglalaro lang talaga sa set at hubad-hubad," sabay tawa nito. 


First time maka-love scene ni Kokoy si Sue dahil nga sa una nilang pagsasama ay hindi sila ang partner.


“First time ko rin makakahawak ng boobs ng katrabaho. Pero dahil nga si Ate Sue na nanay ng baby ko dati, 'di ba? Sa mga nakakaalam, Diyos ko, actually, 'yun nga ang sinasabi ko kay Ate Sue, ‘Ate Sue, nanay ka ng baby ko. Ngayon, nilalamas ko na ang suso mo?”


Sa Game Boys ay biyenan ni Kokoy si Sue, kaya ani ng aktor, "Wala munang mother-mother-in-law, ha? Ha! Ha! Ha! Ha!”


Panay naman daw ang hingi ni Kokoy ng sorry kay Sue pag-cut o matapos kunan ang eksena.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page