top of page
Gelli de Belen - IG.jpg

Motorista, inuunggoy na lang ng DOE at oil companies, pwe!

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 5, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


BAKA NAMAN WALA TALAGANG GINAWANG PANUNUHOL SI VP SARA KAYA MGA TESTIGO SA BRIBERY HINDI NA ISASALANG SA IMPEACHMENT COURT — Pormal nang tinuldukan ng House prosecution panel ang bribery allegation laban kay Vice President Sara Duterte noong siya pa ang head ng Department of Education (DepEd), na ibig sabihin ay hindi na isasalang sa impeachment court bilang mga testigo ang mga nag-aakusa sa Bise Presidente na sinuhulan daw sila para huwag maging mahigpit sa proseso ng bidding sa DepEd.


Baka nga naman wala talagang nangyaring suhulan sa DepEd, walang ebidensyang nanuhol si VP Sara kaya atras ang House prosecution panel, ayaw na nilang isalang sa impeachment court ang third Article of Impeachment (bribery) laban sa Bise Presidente, period!


XXX


TILA HINDI MAGLULUBAY SI SEN. LACSON SA PAGBIBIGAY NG EBIDENSYA SA OMBUDSMAN HANGGA'T HINDI NAKUKULONG SA CITY JAIL SI SEN. ALAN CAYETANO — Kinumpirma ni Ombudsman Boying Remulla  na hinihintay pa nila ang ilang ebidensya na magmumula kay Sen. Ping Lacson para maituloy na nila ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa maanomalyang Laguna Lake claims na kinasasangkutan umano ni Sen. Alan Cayetano.


Talaga nga yatang hindi lulubayan ni Sen. Lacson si Sen. Cayetano hangga't hindi ito nakukulong sa city jail, boom!


XXX


SABI NOON NI COMM. NEPOMUCENO LALABANAN DAW NIYA ANG KATIWALIAN SA CUSTOMS PERO NANG HINIHINGI NA NG OMBUDSMAN ANG MGA DOKUMENTO PATUNGKOL SA MGA TIWALI, KULANG-KULANG NAMAN IBINIBIGAY — Sinabi ni Ombudsman Remulla na hindi raw nila magawang imbestigahan ang mga Customs officials na sangkot sa mga katiwalian sa Aduana dahil kulang-kulang daw ang mga dokumentong ipinadadala sa Office of the Ombudsman ng Bureau of Customs (BOC).


Nang italaga noon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos jr., (PBBM) si Commissioner Ariel Nepomuceno bilang head ng BOC, malinaw ang sinabi niya noon na lalabanan daw niya ang smuggling at katiwalian sa Aduana, pero ngayon nagpahayag si Ombudsman Remulla na nais niyang imbestigahan ang corruption sa Customs, eh kulang-kulang naman ang mga dokumentong pinadadala niya (Nepomuceno) patungkol sa mga tiwala sa BOC, tsk!


XXX


NAGBABA NGA SA PRESYO NG DIESEL, PERO BINAWI NAMAN SA TAAS-PRESYO SA GASOLINA AT MAY TUBO PA SA TAAS-PRESYO NG KEROSENE — Next week ay may rollback na P1.50 sa presyo ng kada litro ng diesel, pero may oil price hike naman na tig-P1.50 ang gasolina at kerosene.


Ganyan kung paano ungguy-ungguyin ng Department of Energy (DOE) at oil companies ang mga motorista, kasi nga ang ibinaba na P1.50 per liter sa presyo ng diesel ay binawi sa P1.50 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, at may kasunod pang tubo, na P1.50 sa dagdag-presyo naman sa per litro ng kerosene, buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page