Moto GP na pangkarera sa highway, dapat pigilan
ni MC - @Sports | September 08, 2021

Hindi na kailangang manood ng MOTO GP sa cable channel para makita ang mga humaharurot na motorsiklo. Sa mga pangunahing highway sa bansa ay palasak na ang pagdaan ng mga naturang sasakyan.
Parang hinahabol ng mga motor ang finish line sa kahabaan ng highway o skyway. Kinukuwestiyon ang mga motorsiklo sa highway na may 8p hanggang 100 kph ang bilis na walang humpay sa pagdaan dito. Sa panuntunan ng mga highway pinapayagan lang ang mga motor na may mataas na kalibreng 400 cc. Kung mas mababa , sa mas maliliit na daan o side road lang daraan.
Sa maluwag na polisiya ay nakakakalusot ang mga ito dahil nadadaya sa porma at laki ng gulong ang tunay na kalibre ng motorsiklo. Sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dumarami ang naitatalang incident o average na motorcyle-related accident. Isang grupo ng riders ang lumapit sa Toll Regulatory Board (TRB) na mas higpitan ang pagbabantay sa mga motorsiklong dumaraan sa mga major highway.
Madaling makalusot ang mga motorsiklong aaktong may malalaking gulong at ipinapalagay na kalibreng 400cc. Anila, dapat itong bantayan at mahigpit ang mga highway patrolmen sa pagi-inspeksiyon upang masiguro na hindi makadaraan sa highway ang mga motorsiklo na sub-400cc. Hindi dapat na isapalaran ang buhay na matikman ang karerang tulad ng napapanood sa telebisyon.





Comments