Motibo, buking… ALDEN, NILILIGAWAN SI KATHRYN PARA MAKUHA SA MOVIE
- BULGAR
- Apr 4, 2024
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Abril 4, 2024

Kani-kanyang bigay ng opinyon ang mga netizens sa nakitang parehong may suot na black ring sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na visible sa post-birthday party na bigay ng family ni Kathryn sa kanya.
Nang iabot ni Alden ang bouquet of flowers at birthday gift niya sa aktres, agad napansin ang ring.
Gusto tuloy malaman ng mga fans, lalo na ng KathDen shippers, kung si Alden ba ang nagbigay ng ring, kailan ibinigay at bakit suot na ni Kathryn?
May sumagot sa tanong ng marami sa identical black rings na suot nina Alden at Kathryn. Sabi ng isang netizen, tracker ang ring na nagta-track ng health condition ng may suot. Para raw itong Apple watch at sinang-ayunan ito ng isa pang nag-comment.
Smart ring naman ang itinawag niya at maraming celebrities daw ang nagsusuot nito.
Pati raw ang sleep at mood ng wearer, nata-track ng ring at madaling mabili ng mga interesado.
Paniwala naman ng mga non-shippers, marketing strategy ang ginagawa ni Alden, nililigawan daw nito si Kathryn para gumawa ng movie na pagtatambalan nila at ipoprodyus ng Myriad Entertainment production ni Alden.
Granted na may offer ngang movie si Alden for Kath to be produced by his film outfit, hindi pa rin maalis na kiligin ang mga fans, lalo na ang mga KathDen shippers. Nakita sa video ang biglaang photo shoot nina Alden at Kathryn na ang mga fotogs ay friends ng aktres. Ang sweet nina Alden at Kathryn at bawat galaw nga ni Alden, binigyan ng
sweet meaning ng mga fans.
Sa studio raw ni Kathryn ginanap ang surprise post-birthday party at nabasa namin na ginagamit ito ni Kathryn for recording purposes. For rent din ang recording studio at may mga events nang ginawa rito.





Comments