top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

MOMMY NINA BEA AT DOMINIC, MAY KASUNDUAN NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 30, 2021





Sa Beati Firma Farm nina Bea Alonzo nag-spend ng Christmas ang pamilya ni Dominic Roque at kumpleto sila, pati mga pamangkin ng aktor ay kasama.


Wishing ang BeaDom fans nina Bea at Dominic na sa New Year, kina Dominic naman mag-spend si Bea and her family, para nga naman makilala naman ng GF ang rest ng family ng kanyang boyfriend.


Naintriga pala ang mga fans nina Bea at Dominic kung para saan ang kasunduan at sumpaan ng kani-kanyang mom ng mag-BF. May photo na nag-pinky promise ang dalawang moms, naka-post sa Instagram ng mom ni Dominic na si Lena Roque at nilagyan ng caption na “Sumpaan at Kasunduan.”


Gustong malaman ng mga fans nina Bea at Dom kung ano ang sumpaan at kasunduan ng mga mother. Kinilig sila at pabayaan na raw sa pag-iisip na nangangamoy-kasalan na ito.


Ready naman siguro sina Bea at Dominic sakaling magpakasal na sila. Kaya lang, hindi ba bawal sa kontrata ng aktres sa GMA Network na siya’y mag-asawa habang hindi pa tapos ang pinirmahan niya?


Anyway, sa 2022, sana ay masimulan na ang mga projects ni Bea gaya ng movie nila ni Alden Richards na Special Memory at ang teleserye niya sa GMA na hindi masimulan hangga’t hindi niya natatapos ang pelikula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page