MOMMY DIONESIA, PATAY NA, KUMALAT SA SOCMED
- BULGAR

- 55 minutes ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 15, 2026

Photo: Mommy D at Manny Pacquiao - Instagram
Tiyak na hindi magugustuhan at ikatutuwa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang ipinost at ikinalat ng isang showbiz website na fake news tungkol sa kanyang inang si Mommy Dionesia Pacquiao.
Ipinost kasi kahapon ng Philstars Trending na pumanaw na raw si Mommy D at nagluluksa ang mas bata nitong boyfriend.
May mga agad naniwala sa naturang post kung saan makikita ang dalawang pictures na magkatabi sina Mommy D at ang BF nito at sa bandang ibaba ay picture rin ng dalawa pero naka-black and white na ang larawan ng ina ni Manny habang colored ang photo ng BF nito, na waring gustong sabihin na wala na talaga ang Pambansang Pacmom.
May ipinakita rin sa post na picture ng kabaong na buhat-buhat ng mga sundalo at isang puting urn na may pangalan pang “Dionesia Pacquiao”.
Pero kung may mga naniwala, may mga pumalag din sa naturang fake news at galit na galit sa post ng naturang Facebook page na ‘pinatay’ na ang buhay na buhay pang ina ng Pambansang Kamao.
Wala pa kaming balita kung nakarating na ito kay Manny Pacquiao at sa kanyang pamilya, pero may mga netizens ang nagsa-suggest na ireklamo nito ang Philstars Trending at kasuhan ang mga tao sa likod nito nang sa gayun ay maturuan ng leksiyon at ‘di na makapagkalat ng fake news.
Well, ang huling video ni Mommy Dionesia na napanood namin sa Facebook recently ay nang dalawin siya nina Manny at Jinkee Pacquiao sa kanyang bahay habang siya ay nakahiga sa isang kamang kawayan na aniya nga ay mas komportable siyang higaan.
Mukha namang malakas pa si Mommy D, at ‘di ba nga, may kasabihan na kapag ‘pinatay’ ka sa bali-balita, mas hahaba ang buhay mo?
So, long live, Mommy D! Nami-miss na nga namin ang mga hirit ng ina ni Pacman na noon ay kasingsikat ng kanyang anak at laging laman ng mga headlines.
Mahahalata mo, kahit rich na sila…
2 AKTRES NA PAREHO NANG KASAL NGAYON, NAGING KABIT NG MISTER NG TV HOST-ACTRESS
BLIND ITEM: Tahimik at faithful husband ang image ng mister ng TV host-actress, pero huwag ka, marami pala itong kalokohan, ha?
Heto nga ang chika ng aming source na may ‘naamoy’ sa kapilyuhan at pagiging malikot sa babae ng mister ng TV host-actress.
Taga-showbiz din daw ang guy, pero hindi ito aktor o TV host.
Nu’ng mag-BF pa lang ang TV host-actress at mister na niya ngayon, nagkaroon na pala ng third party sa kanilang relasyon, isang magaling na aktres na pamilyado na rin ngayon.
Nagkasama ang guy at ang aktres sa isang movie at du’n sila nagka-develop-an, pero nakarating ‘yun sa TV host-actress kaya naputol ang ‘emeng’ secret affair nila.
Nu’ng kasal na ang guy at si TV host-actress, may nakatrabaho na namang isang maganda at rich na ngayong aktres dahil mayaman ang napangasawa ang chickboy na mister ni TV host-actress.
Dalaga pa noon si magandang aktres pero nabola-bola ng chickboy na guy kaya nagkaroon din sila ng something nang magkasama sila sa isang movie na sa isang malayong probinsiya kinunan.
Dahil maraming kaibigan si TV host-actress sa production, nakarating na naman sa kanya ang kalikutan ng mister kaya ayun, short-lived lang ang naging relasyon ng dalawa.
Ngayon ay pareho nang may asawa ang dalawang aktres na naging ‘kabitsina’ ng mister ng TV host-actress, pero kahit ano’ng gawin nila, ‘di na sila mapapatawad ni misis kaya never silang naging guests sa show nito.
Jusko, mahahalata naman sa TV host-actress na wais na misis siya kaya sorry na lang sa dalawang aktres, banned sila sa show nito.






Comments