top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Molina ng HD Spikers, ginulat sa 4 set win ang Logistics

BULGAR
Mar 21, 2022
2 min read

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 21, 2022



Pinataob ng Cignal ang dating namumunong F2 Logistics ,25-14, 25-21, 19-25, 25-19 para sa ikalawang sunod nilang panalo sa 2022 PVL Open Conference kahapon sa Paco Arena sa Manila.


Mainit ang naging simula ng HD Spikers na kumamada ng 7-1 sa first set na naging daan sa kanilang panalo na sinundan pa ng 10-1 panimula sa second upang maiposte ang 2-0 bentahe sa laro. Ngunit di naman agad sumuko ang Cargo Movers at nakapuwersa pa ng fourth set makaraang itala ang 13-3 pagtapos sa third set.


Nagtala ng tig-13 puntos sina Ces Molina at Rachel Ann Daquis habang nagdagdag ng 12 puntos si Ria Meneses upang pangunahan ang nasabing panalo ng HD Spikers. Sa kabilang dako, nanguna naman para sa Cargo Movers na bumagsak sa markang 2-1, panalo-talo si Tin Tiamzon na nagtapos na may 15 puntos kasunod si Kim Dy na may 11 puntos at Abby Maraño na may 10 puntos.


“Talagang tinapangan lang namin at kung anong ginagawa ng first six ginagawa rin ng second six. Masasabi naming tapang lang talaga, lalo na nung mas nasaktan sa amin, kaya sa lahat ng aspeto na ginagawa namin kailangan ng double effort lalo na kung yung game namin ay dikitan. Dapat i-master at pagtibayin pa para tuloy tuloy ang panalo,” wika ni Cignal HD setter Gel Cayuna, matapos ang laro na may 18 excellent sets at 7pts kabilang ang 3 service aces.


Dahil sa panalo, nangingibabaw ngayon ang Cignal sa Pool A taglay ang markang 2-0 habang nalasap naman ng Cargo Movers ang unang pagkatalo sa 2-1 kartada, kung saan pinagbidahan sila ni Tim Tiamzon sa 15 pts, na may 17 excellent digs, at 5 excellent reception. Nagbigay din ng 11pts si Kim Kianna Dy at 10pts kay Abby Marano, samantalang may 26 excellent digs at 9 excellent reception si Dawn Macandili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page