MOCHA, ITINURO SI VP LENI NA NAGPAKALAT NA BUNTIS SIYA KAY ROBIN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 23, 2021

Hindi na pinatagal pa ni Mocha Uson ang trending tsismis sa kanila ni Robin Padilla na diumano'y nabuntis siya ng mister ni Mariel Rodriguez.
Agad na sinagot ni Mocha sa kanyang Facebook account ang kumalat na blind item at bilang patunay na hindi raw siya buntis ay naglabas siya ng workout video niya kung saan kitang-kita na flat ang kanyang tiyan at mas pumayat siya ngayon.
Caption ni Mocha sa kanyang post: “BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan 'yang tsismis na 'yan. Napakabait po nu'ng tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel."
Kasunod nito ay nagturo si Mocha ng feeling niya ay nagkalat ng tsismis sa kanila ni Binoe.
"Sigurado ako, ang nagpapakalat niyan ay 'yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si Sir Robin ay masugid na supporters ni Pangulong Duterte kaya na lang sinisiraan kami.
"Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-anong paninira ang iniimbento nila. Lunch break! Workout na muna tayo,” sabi ni Mocha na idinamay pa si VP Leni Robredo sa tsismis sa kanya, ha?
Naku, ha? Ano kaya ang fake news — na buntis si Mocha kay Robin o ang pagtuturo ni Mocha ng nagpakalat daw ng tsismis? Char!





Hindi pwede si robin makabuntis sa iyo kasi gaga-sili lang ang kanyang puhunan. ayon yan kay Rosanna Roces. IKaw naman mocha-antot ay gurang na para mabuntis pa.!!