top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MMFF 2021, kaya nilangaw… TIKET SA SINE, SUPER-MAHAL NA, BAWAL PA ANG PAGKAIN, MAY SOCIAL DISTANCING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 29 , 2021





Nakakalungkot naman ang resulta sa takilya ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2021.


Hindi gaanong nagkainteres ang publiko na panoorin ang walong pelikulang napasok sa filmfest.


Walang pila sa mga sinehan.


Ayon sa ilang showbiz observers, maraming dahilan kaya hindi lumabas ang mga tao para manood ng sine noong Pasko.


Unang-una, mahal na ngayon ang bayad sa sinehan, P300 plus na, at mabigat ito lalo kung isang pamilya ang manonood.


At hindi rin daw gusto ng mga manonood ang pinaiiral na protocol sa mga sinehan tulad ng social distancing. Magkakalayo ang upuan ng mga manonood kahit magkakasama pa.


Ipinagbabawal din ang pagdadala ng pagkain sa loob ng sinehan. Paano mag-e-enjoy manood ang moviegoers?


Nag-aalala ring manood ng sine ang mga hindi pa bakunado dahil baka raw hindi sila papasukin.


At wala ring entry sina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda ngayong taon, eh, sila pa naman ang inaabangang mapanood ng mga bata.


Wala ring gaanong big stars sa mga pelikulang kasama sa filmfest ngayon. So, paano nga naman magkakainteres na manood ng sine ang publiko?


Kahit pa sabihin na magaganda ang mga pelikulang kalahok, hindi pa rin ito sapat na panghatak sa moviegoers.


Besides, majority pa rin ay takot na pumasok sa sinehan dahil may bago na namang COVID variant na nakapasok na sa 'Pinas.


Kaya naman, wala pang katiyakan ang magiging kapalaran ng movie industry hangga't ayaw pang tangkilikin ng moviegoers ang local movies.


Paano mahihikayat ang mga movie producers na gumawa ng mga pelikula? Paano na ang career ng mga artista kung wala nang nagpo-produce ng pelikula?


Hanggang sa telebisyon na lang ba sila mapapanood?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page