ni Beth Gelena @Bulgary | May 10, 2024
Marami ang nag-worry para kay Billy Crawford nang mag-viral ang piktyur nito na makikitang super-payat ang TV host at sinasabi pa nga ng ilan na mukha itong adik.
Nangingitim kasi ang ilalim ng mga mata ni Billy na malayung-malayo sa hitsura niya sa TV.
Feeling ng ilang netizens, sobrang napapagod ang singer lalo na kapag kumikilos.
May nagtatanong din kung nagda-diet ba ito o sadyang may sakit lang?
Nagtataka talaga ang marami kung bakit biglang nahulog ang katawan ni Billy.
Depensa naman ng misis ni Billy na si Coleen Garcia, walang kakaiba sa hitsura ni Billy para sa mga taong higit na nakakakilala rito.
Dagdag pa niya, "Major hair loss and dark circles in his eyes have always been a part of his look but only hidden once the makeup is applied."
Ang pinakamalaking nabago umano sa kanyang asawa ay ang biglang pagbaba ng timbang nito.
Pinalagan din ni Coleen ang unrealistic standard umano ng publiko at maling pagtingin nila sa mga celebrities.
Hindi lang ipinagtanggol ni Coleen si Billy kundi pinaalalahanan din niya ang lahat na may karapatan ang bawat isa na maging komportable kung anumang hitsura nila.
Tiniyak din ni Coleen na okay na okay ngayon si Billy at walang dapat ipag-alala sa health ng kanyang mister.
Aniya pa, busy daw si Billy sa work abroad. Katunayan, loaded umano ang schedule ni Billy ngayong taon kaya mostly ay nasa France ito.
Comments