Mister ni Sharon, tumanggap daw ng maleta… SEN. KIKO, IDINAAN SA ACTING CHALLENGE ANG RESBAK SA 18 EX-MARINES
- BULGAR

- Jun 19
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 19, 2026

Photo: Kiko Pangilinan - IG
Kukuyugin tiyak ang mister ni Sharon Cuneta na si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ng mga bashers sa kanyang ‘acting challenge’.
Mabubuwisit siyempre ang mga nagdawit sa pangalan ni Sen. Kiko sa mga tumanggap ng ‘maleta’.
At bilang pang-asar naman ni Sen. Kiko sa mga nag-akusa sa kanya, idinaan na lang niya ang kanyang resbak sa acting challenge post niya sa Instagram (IG) kahapon.
Iniarte ni Sen. Kiko sa video ang phrase na, “Nabigyan daw ako ng maleta,” sa apat na emosyon — natural reaction, disappointed, sarcastic at flirty.
In fairness, nai-deliver naman ni Sen. Kiko sa apat na iba-ibang emosyon ang naturang phrase. We just wonder kung nag-workshop muna siya kay Mega bago siya nag-acting challenge, huh?
Parang ang husay ding umarte ni Sen. Kiko. Mukhang may ibubuga pala sa aktingan ang mister ni Mega.
Sey ng mga netizens…
“Never will I believe any black propaganda of those 18 maleta boys. Nakakasuka sila! Meantime we are loving this po Sen @kiko.pangilinan…Da best!”
“‘Di n’ya asawa si Megastar for nothing. Hahaha! Sen. Kiko, nilaro, iiyak na naman sila. Panalo ‘yung running caption sa middle para hindi ma-splice.”
“Nabunot po kasi kayo sa pa-raffle nila at win kayo ng maleta.”
“Ihampas mo kaya sa kanila ang maleta, lagyan mo, Sen. Kiko, ng hollow blocks.”
‘Kaaliw!
VIRAL ang larawan ni SB19 Stell Ajero na may nakasubong red lollipop.
Bahagi ng series of photos na ipinost ni Stell sa X (dating Twitter) ang larawan niya na may lollipop bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan noong June 16.
Ayon sa kanya, kaya may lollipop siya ay dahil mahilig na siya rito simula pagkabata.
Caption ni Stell, “Like it’s ‘95.”
Naiinggit tuloy ang mga fans ni Stell sa lollipop na nakasubo sa kanyang bibig.
May fans pa na nag-Google tungkol sa ‘lollipop ni Stell’.
Sey ng mga fans…
“Runs to Google. Types ‘Paano maging pulang lollipop?’”
“Physical transformation, yes!” isa sa mga lumabas na resulta ng Google na pabirong interpretasyon ng mga fans.
Hahaha! Ganern?!
MASUSUBAYBAYAN na ng mas maraming Pilipino ang Coco Martin’s Sigabo dahil mapapanood na ang inaabangang action-drama serye sa TV5 simula Hunyo 22, 8 PM, kasabay ng pag-ere nito sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant.
Hatid ng Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco Martin at Prime Actress na si Julia Montes ang kapana-panabik na aksiyon, kilig, at saya na mae-enjoy ng pamilyang Pilipino gabi-gabi.
Patuloy ang misyon ng ABS-CBN na maglingkod sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay-inspirasyon at saya sa mas marami pang manonood.





Comments