top of page

Mister ni Marian, kahit pinipigilang pumasok sa pulitika… DINGDONG, PASOK SA MAGIC 12 NG SENATORIABLES SA 2028

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 30, 2026



Dingdong Dantes sa The Master Cutter - Instagram

Photo: Dingdong Dantes sa The Master Cutter - Instagram



Pinuri ng mga netizens ang official trailer ng The Master Cutter (TMC), ang action series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes for GMA. Promising daw ang trailer, love nila ang pag-incorporate sa story ng deep religious roots natin.


May comment na mala-K-drama ang datingan ng trailer, kaya lang, parang mali na sabihin na kaya maganda ito dahil streaming sa Netflix. Kung kilala ninyo si Direk Dominic Zapata, hindi ito papayag ng puchu-puchung trabaho. Pareho ang effort na ibinibigay nito sa kanyang trabaho, mapa-Netflix man o GMA-7.


Pati nga si Marian Rivera, nagustuhan ang trailer at napa-comment ng “Looking forward to this with such a beautiful cast. May feeling na this will be one of my favorites. Congrats sa buong team. Excited na kaming mapanood ulit ang husay mo.”


Ikatutuwa nina Dingdong at Direk Dom ang mga comments na, “Mala-Jason Statham ang datingan,” “It’s giving Kingsman… let’s see,” at “Pang-version ni John Wick. This is going to be epic.” 


May nag-wish pa ng “Sana, ‘di lang trailer ang maganda.”


Hindi na maiinip ang mga naghihintay na mapanood si Dingdong sa The Master Cutter dahil sa May 8, 2026 ang streaming ng series sa Netflix at sa May 11 naman ang premiere sa GMA-7.


Speaking of Dingdong, wala pa itong reaction sa balitang sa isang survey, halos pasok siya sa ‘Magic 12’ race ng mga senatoriables for the 2028 elections. 


Kung ang mga fans ni Dingdong Dantes ang tatanungin at masusunod, ayaw nilang pumasok siya sa pulitika. Gugulo lang daw ang buhay niya at ang buhay ng pamilya nila ni Marian Rivera. Sa entertainment na lang daw siya. 


Kahit hindi mag-pulitika, nakakatulong pa rin naman siya sa bansa at sa mga nangangailangan.





SARI-SARING reaksiyon ang nabasa namin sa paglabas ng photo ni Willie Revillame kasama si Annette Gozon-Valdes ng GMA Network at si Joy Marcelo, ang First Vice-President ng Sparkle GMA Artist Center. 


Kahit ang nakasulat lang na caption ay: “Quick catch up,” naniniwala ang mga netizens na may ibang agenda ang pagkikitang iyon ng mga nabanggit.

May nag-akala agad na baka gustong bumalik sa GMA ni Willie, ngayong nabalitang aalisin na ang online show niyang Wilyonaryo


Magbabalik daw ang Wowowin, pero abangan na lang kung saang channel.

May mga nag-suggest na kung babalik si Willie at ang kanyang show sa GMA, dapat sa GTV na lang. Huwag na raw guluhin pa ang time slot ng Family Feud (FF) hosted by Dingdong Dantes.


Heto nga’t wala pa namang announcement, may mga nagsabi nang ang Wowowin ang ipapalit sa Family Feud. Kailangan daw magbawas ng show si Dingdong dahil malapit na ang airing ng action series niyang The Master Cutter (TMC)


Kaya lang, ayaw ng ibang mga fans na alisin ang show ni Dingdong. Hanapan na lang daw ng ibang time slot si Willie kung totoong babalik siya sa GMA-7. Mas maganda raw kung sa GTV na lang ilagay ang Wowowin para walang problema.


Isa pa, kaya raw ni Dingdong na mag-multi-tasking. Kaya ng schedule niya ang tatlo niyang shows na umeere o eere. Nagho-host pa nga siya ng documentary at maraming projects na ginagawa na walang nasisirang schedule.





Kaila at mga utol, present… 

BIRTHDAY PARTY NI DANIEL, FAMILY AFFAIR NG MGA ESTRADA



ANG daming natuwa sa photo ng kuya ni Kaila Estrada na si Luigi Muhlach kasama sina Jake Vargas at Daniel Padilla. 


Sa larawan sa birthday party ni Daniel, yakap ni Luigi si Jake at si Daniel naman ay nakayakap kina Luigi at Jake.


Si Luigi ang nag-post ng photo nilang tatlo sa kanyang Instagram (IG) Story. Ang mga fans na ang nag-caption sa photo. Bagay daw na caption ang ‘The bayaws’ dahil bayaw na ni Luigi si Jake at magiging bayaw niya rin si Daniel kapag ikinasal ito kay Kaila.


Nakakasama ni Daniel si Luigi kapag naggo-golf sila. Nagkita na sina Daniel at Luigi nang maglaro sila ng golf. Si Jake naman ay madalas makasama ni Daniel dahil kapag may ganap si Kaila at ang mga kapatid, madalas nilang kasama sina Daniel at Jake.


Sa birthday party ni Daniel, kumanta si Jake. Para talaga silang pamilya na ni Jake at lalo pang magiging masaya kapag nagkatuluyan sina Kaila Estrada at Daniel Padilla. Family affair ang nangyari sa party dahil present ang mga siblings ng aktres at dumating din ang ama ng aktor na si Rommel Padilla with his family.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page