Mister na tulak, huli sa akto

ni Maeng Santos @News | November 25, 2026

Photo: File
Mahigit P100K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang maaresto sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Sa koordinasyon sa PDEA, ikinasa ng mga tauhan ni Northern Police District Director P/BGen. Benliner Capili ang buy-bust operation laban sa 49-anyos na kelot na residente ng Brgy. 188.
Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit nang bentahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Brgy. 188, alas-7:41 ng gabi.
Nakuha sa kanya ang nasa 15.01 grams ng hinihinalang shabu na may estimated standard drug price na P102,068 at buy-bust money.





Comments