Mag-ama, pumalag sa warrant, 3 menor-de-edad ginawang human shield

ni Mai Ancheta @News | November 25, 2026

Photo: 3 menor-de-edad ang ginawang human shield ng mag-amang wanted sa batas sa police operation sa Brgy. Prosperidad, Montevista, Davao de Oro - Mayor Cyrex Basalo
Nailigtas ng mga otoridad sa kapahamakan ang tatlong menor-de-edad matapos gawing human shield ng mag-amang wanted sa batas sa police operation sa Brgy. Prosperidad, Montevista, Davao de Oro.
Sa inilunsad na police operations ay napatay ang wanted na tatay habang sugatan ang anak, at dalawang pulis.
Nagkaroon muna ng negosasyon sa pagitan ng mga suspek at lokal na opisyal ng Montevista subalit nagmatigas ang dalawa habang hawak ang tatlong menor-de-edad na nauwi sa barilan at nagresulta sa pagkamatay ng suspek na ama at pagkasugat ng anak.
Sisilbihan sana ng warrants of arrest ang mag-ama dahil sa mga kasong murder at rape, frustrated murder at arson subalit sa halip na sumuko ay nanlaban sa mga otoridad.
Ang dalawang sugatang pulis na kinilalang sina Pol. Staff Sergeant Rey Mariano at Pol. Staff Sergeant Frederick Sison ay nagpapagaling sa pagamutan mula sa mga tinamong pinsala sa katawan.





Comments