Mister na si Neil, sumagot din… ANGEL, TINAWAG NA NPA, PUMALAG
- BULGAR
- Mar 1, 2022
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 1, 2022

Kamakailan ay may nai-post si Angel Locsin sa kanyang Instagram account na picture ng belated birthday celebration ng kanyang 'ate' na si Kris Aquino.
Isa si Angel sa mga friends ni Kris na talagang nag-stick at hindi iniwan ang nanay nina Joshua at Bimby kahit ano pa ang nangyari.
Ipinost ni Angel nu'ng Feb. 25 ang mga kuha nilang larawan kasabay ng paggunita sa 36th anniversary ng EDSA People Power 1.
Kulay dilaw ang damit na suot ng mag-iinang Kris, Josh at Bimby habang katabi naman ng bunsong anak ni Kris si Angel na kulay pink naman ang suot na T-shirt.
Nilagyan ito ng aktres ng caption na, “Small gathering to celebrate Ate Kris’ birthday! Posting this picture because she looks so beautiful and healthy here. She’s been struggling with her health for sometime now, at na-miss kong naka-glam up & full of energy siya. Love you, ate!

“Mahaba-haba na rin ang pinagsamahan natin at iba magmahal ang isang Kris Aquino. Anyway, I enjoyed our chikahan with Ate Anne & Cong Len, I’m really sorry na buong gabi, akala ko, ibang tao sila and they’ve been so proper not to call me out sa katangahan ko, haha, at hindi pa pala ako nakapag-apologize, hahaha!"
Nagpasalamat naman si Kris kay Angel at sa mister nitong si Neil Arce.
“Love you & Neil. For life. Thank God si @neil_arce nagre-reply right away. Good night,” ayon kay Kris.
Marami sa mga netizens ang natuwa sa pagkakaibigan nina Kris at Angel.
“Love ko kayo, mga Madam! Tara na, gawin na nating kulay-rosas ang bukas!”
“Alam na talaga kung sino ang hindi nang-iwan kay Kris!”
“Kweens! Siguraduhin na natin na kulay rosas ang bukas.”
“Good thing Kris knows now who her true friends are.”
“Awww! Happy birthday po, Ms. Kris! You are healed in Jesus name! Nakakatuwa na ang dami mang nawalang friends ni Ate @krisaquino, 'and'yan pa rin si Angel niya.”
May isang basher na ayaw paawat at nagkomentong "Mabuhay ang NPA!" na patutsada para sa aktres.
Hindi nagpatinag si Angel at sinagot ito, “Nanre-redtag, style diktaturya.”
“Siguro, naniniwala ka rin sa Tallano gold,” pamba-backup naman ng mister niyang si Neil.
Deleted na umano ang komento ng basher subalit na-screengrab na agad ito ng mga netizens.
Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng ‘red tagging’ ang aktres pero pinatunayan niyang hindi siya isang maka-kaliwang personalidad.
Speaking of Angel, marami na ang nag-aabang ng proyekto nila umano ni Edu Manzano sa direksiyon ni Erik Matti para sa HBO Go, ang Pinoy adaptation ng French hit series na Agent Call My Name.




Comments