top of page

Mister na si Kiko, may anak daw sa iba… SIGAW NI SHARON: KUNG SANA TOTOO, KAWAWA ‘YUNG BATA, PAARALIN NATIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7
  • 3 min read

Updated: May 14

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 14, 2025



Photo: Tito Sotto - IG


Nakatakdang lumipad si Sharon Cuneta sa New York ngayong Mayo para dumalo sa graduation day ng panganay na anak nila ni Francis “Kiko” Pangilinan na si Frankie Pangilinan.


Tatapusin lang daw ni Megastar ang eleksiyon on May 12, 2025 kung saan nga ay kandidato ang kanyang mister sa pagka-senador at pagkatapos ay tutungo na siya sa US.


“Mauuna ako sa kanya (Kiko) na umalis. She’s (Frankie) graduating na, okey na okey, hectic na hectic s’ya. At saka uuwi s’ya for good,” pagbabahagi ng Megastar sa mediacon sponsored by Regal Entertainment bosses, Roselle and Keith Monteverde held last

Monday.


Proud nga ring ikinuwento ni Shawie ang ginawa ng kanilang dalawang anak na sina Frankie and Miel kahit malayo ang mga ito, to show their support for their father’s candidacy.


“You know what Frankie did? She wrote a very long hand-written letter na ginawan namin ng maraming kopya to each of the mayor sa buong Pilipinas, begging for their support for her father. And also explaining what she thinks of her father, how humble he is, everything na naranasan niya as his daughter, kung bakit karapat-dapat ang daddy niya na suportahan ng bawat mayor,” kuwento ni Mega.


“Si Miel naman – kasi malayo sila, eh – si Miel naman did a very special message for her dad saying also what she thinks na about why people should vote for her dad,” dagdag niya.

Singit naman ni Kiko, “Hindi lang sila makabalik (sa ‘Pinas para mangampanya) dahil nga nag-aaral.”


For this election, talaga namang all-out ang support ni Shawie sa kanyang mister and she really makes it a point na makasama sa mga campaign sorties and rallies kahit pa gaano kalayo ito.


At siyempre pa, si Sharon din ang No. 1 defender ni Kiko sa iba’t ibang negative issues na ibinabato sa kanila na paulit-ulit na lang na naglilitawan sa tuwing kumakandidato ang kanyang asawa.


“Wala na nga silang masabi. Nag-offer na nga ako ng ilang milyon noon sa makakapagpruweba sa akin na may chicks s’ya. Mayroon pa (nagsasabi), may anak na raw. Kung sana (totoo), kawawa ‘yung bata, paaralin natin,” ani Sharon.


Sey naman ni Kiko, “Rehashed, paulit-ulit, tuwing eleksiyon lumalabas, talagang nakikita mo na may hidden agenda na gusto kaming sirain. Because they know that my love for my family is one of my biggest assets. Because the voters, ‘yung mga kababayan natin, mahal nila ang pamilya, eh. So, para sirain ako, gusto nilang sirain ang pamilya. Talagang nakakalungkot, may mga taong napakadesperado, gagawin ‘yung pagsisinungaling.”


Isa sa matitinding kalaban nga raw sa panahon ngayon ay ang fake news kaya ayon sa senatorial candidate, we should fight back and claim the media space na inaagaw ng ibang fake news peddlers by creating lies and spreading false information.


 

Bilang tribute sa madir at dating mister…

JACKIE LOU, ISE-SHARE SA IBA ANG MGA ITINURO SA KANYA NINA PILITA AT RICKY


“IT’S been really hard,” ang paglalarawan ni Jackie Lou Blanco sa magkasunod na pagyao ng ina niyang si Pilita Corrales at ex-husband and father of her 3 children na si Ricky Davao.


“Ricky has been sick for the last couple of months. He really fought a good fight. But it’s difficult because you know, when you grieve, your grieving naman is not finished after you’ve put them in their final resting place. We’re still grieving for my mom and now, we’re grieving for Ricky,” anang aktres sa panayam ng ABS-CBN.


Dagdag pa niya, “It’s particularly hard for my children because they lost their dad and their Mamita at the same time. Is it difficult? Yes, it is difficult.”


Sa kabila nito ay pinipilit daw nilang magpakatatag at sama-sama nilang hinaharap ang mabigat na pinagdaraanan.


“We are just trying to draw strength from each other and just praying for God’s strength that we are able to go through this together.


“Ang sinasabi ko na lang sa mga bata, ‘We honor your Mamita and your dad by being excellent in what we do, by being good people. And that’s how you honor them.’


“Kung anuman ‘yung mga itinuro nila sa amin, that’s what we will try to share to other people,” pahayag pa ni Jackie.


Pumanaw ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita nitong nakaraang April 12, 2025 sa edad na 87 habang si Ricky naman ay sumakabilang-buhay nitong May 1, 2025 sa edad na 63.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page