top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mister mo, Lani, kaya todo-pa-macho… SEN. BONG, MAY SANYA NA, MAY 3 BEAUTY QUEENS PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 01, 2021





Finlex ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang fit niyang katawan sa mga larawang ipinost niya habang nagwo-workout.


“Result of hard work and discipline. Let’s do it!” ang caption ng senador sa dalawang larawan.


Kasama sa paghahanda ni Sen. Bong sa taping ng Book 2 ng Agimat ng Agila ang kanyang tuluy-tuloy na pagwo-workout at kaiinggitan nga naman ng mga kaedad niya ang kanyang katawan. Wala sa katawan ng senador na 55 years old na siya.


Anyway, kailangan talaga ni Bong na mag-workout at ihanda ang katawan dahil tatlong naggagandahan at nagseseksihang babae ang kasama niya sa pagbabalik next year ng Agimat ng Agila.


Bukod kina Sanya Lopez at Rabiya Mateo, kasama na rin sa cast si 2014 Miss Universe Philippines MJ Lastimosa. Kung kasama pa rin sa cast si Michelle Dee, bale tatlong beauty queens ang makakasama ni Bong sa series.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page