Mister, mas malala lang daw… GELLI, UMAMING PAREHO SILANG NAGKA-COVID NI ARIEL
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 16, 2021

In her latest YouTube vlog, ini-reveal ni Gelli de Belen na COVID-19 survivor sila ng mister niyang si Ariel Rivera.
Sa nasabing vlog ay katsikahan niya ang ate niyang si Janice de Belen at mga kaibigang sina Carmina Villaroel and Candy Pangilinan.
Kuwento niya, nakaranas sila ni Ariel ng sintomas nitong nakaraang Pebrero. Ang mister niya ang na-expose sa isang COVID-19 positive at nahawa na rin siya.
"Share ko lang, hindi ko ito isine-share sa marami. Kami ni Ariel, we had COVID. Si Ariel, nagkaroon siya ng sipon. Naglilinis kami ng bahay nu'n, parang feeling namin, allergy-allergy lang. Hindi naman pala. Iyong sipon niya, nahawa ako agad.
“So feeling namin, wala lang, may sipon, flu. Tapos, nagsabi 'yung kaibigan niya na mayroon siya. So, si Ariel, 'Oh, my God, baka pati ako?' Eh, magte-taping siya the next week. Nag-COVID test siya, positive,” pagbabahagi ni Gelli.
Matapos magpositibo si Ariel, Gelli knew right away na pati siya, since may mga nararanasan din siyang symptoms.
"So, noong nag-positive siya, 99% sure, ‘di ba, sabi ko sa ‘yo, Janice, 99% sure, siguradong mayroon din ako. After a couple of days, I decided to still get myself checked. Of course, obviously, positive ako. I had all the symptoms,” she said.
Pinakanatakot daw siya ay nu’ng nawala ang panlasa’t pang-amoy niya.
"Wala akong pang-amoy, panlasa, tapos ang sama ng pakiramdam. Alam mo 'yung pakiramdam na nag-treadmill ka ng apat na oras, nag-weights ka ng dalawang oras. Tapos the next day, 'yun ang pakiramdam mo, exhausted, ang bigat, ang sakit sa katawan talaga," kuwento pa ni Gelli.
She still felt lucky pa rin naman daw dahil sabay nilang pinagdaanan ng mister ang COVID-19 unlike some other people na mag-isa lang.
"I actually tried to make light of whatever I'm feeling and siya rin, para hindi mag-worry ang isa't isa. Pero sa totoo lang, feeling mo, delubyo na ito, 'yung ganoon. Pero ang maganda lang sa akin, suwerte ko lang kasi sabay kami ni Ariel. For other people, wala talaga, mag-isa lang sila.”
Pero mas matagal daw ang naging recovery ni Ariel kaysa sa kanya.
Kuwento pa ni Gelli, "Nagkaroon kasi siya ng cough, medyo nahirapan siyang mag-recover. And there would be times na hindi niya lang ipinapakita sa akin, pero talagang gusto na niyang, 'Halika na, pumunta na tayo ng ospital.' Pero kinakaya pa rin niya talaga.
"There was one time, nasa banyo siya, naliligo, he had to sit on the floor. Kasi hinihingal siya at saka parang nahihirapan siyang huminga, may ganoon. So, kung kami, okay na ganoon, what more 'yung mga nasa ospital? So, totoo ‘to, totoo ‘tong pinagdadaanan ng lahat,” lahad pa ni Gelli.





Comments