top of page
Magui Ford Planas at Robbie jaworski - IG.jpg

Mister, kinatay ng ka-live-in ng ex

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Levi Gonzales @News | November 27, 2026



Crime scene police line

Photo: File



Nasawi ang 36-anyos na si alyas Mark matapos pagsasaksakin umano ng kasalukuyang live-in partner ng kanyang dating asawa sa Brgy. Ilayang Iyam, madaling-araw nitong Miyerkules, Nobyembre 25.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok umano ng lasing na biktima ang silid ng kanyang dating asawa, pinilit itong makipagtalik at sinuntok nang tumanggi.


Dahil dito, humingi ng saklolo ang babae sa kanyang kinakasamang si alyas John.

Nang lumabas ang biktima ay may hawak umano itong patalim na naagaw ng suspek at ginamit sa paulit-ulit na pagsaksak sa kanya sa iba't ibang bahagi ng katawan.


Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Tumakas naman ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page