Humarap sa Senado, P785.2M budget ng OVP, aprub... Merry Christmas sa inyo — VP Sara

ni Mylene Alfonso @News | November 27, 2026

Photo: Inday Sara Duterte - FB
Agad na nakalusot sa loob lamang ng isang minuto ang proposed P785.2 milyon funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon matapos ang naging pagbibigay ng courtesy ng Senado.
Taliwas sa nangyari noong budget hearing, mismong si Vice President Sara Duterte at hindi na si OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez ang humarap sa mga senador para sa plenary budget debate.
Si Senador JV Ejercito naman din ang nag-sponsor ng kanilang budget.
Sa kabilang banda, 'Merry Christmas sa inyo' na lang din ang naging maikling mensahe ni VP Sara nang mahingan siya ng pahayag matapos ang matagumpay nilang paglusot sa plenary debate.
Samantala, minabuti nitong hindi na sagutin ang mga katanungan na may kaugnayan sa kanyang kinakaharap na impeachment trial.





Comments