13th month pay, ibigay nang maaga — DOLE

ni Mylene Alfonso @News | November 27, 2026

Photo: File
Umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na maagang ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado bago pa man ang Christmas rush.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, bagama’t hanggang Disyembre 24 ang itinakdang deadline, mas mainam na maagang matanggap ng mga manggagawa ang naturang benepisyo.
Binigyang-diin din ni Tolentino na karapatan ng mga manggagawa ang 13th month pay at obligasyon ng mga employer na ipagkaloob ito.
Pinaalalahanan din niya ang mga manggagawa na gamitin nang wasto ang matatanggap na pera para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Maaari namang tumawag sa DOLE hotline 1530 ang mga empleyadong may reklamo kaugnay ng hindi pagbibigay ng 13th month pay.





Comments