Huwag tuksuhin — Sec. Lopez... Mga taga-gobyerno, marupok sa korupsiyon

ni Mylene Alfonso @News | November 27, 2026

Photo: File / Secretary Giovanni Lopez - DPWH
Nanawagan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez sa mga kontratista at negosyante na huwag tuksuhin ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan na gumawa ng katiwalian.
"Please, don't tempt the people in the government, mas lalo na po sa DPWH. I have to admit, baka marupok po sila," ani Lopez.
Binigyang-diin ng kalihim na kailangan ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa paglaban sa korupsiyon, kasunod ng kontrobersiya sa mga flood control project.
Hinimok din niya ang mga kontratista na isumbong ang sinumang tauhan ng DPWH na manghihingi ng lagay upang mapanagot ang mga ito.





Comments