Mister, binalikan… JENNICA, HINIRITAN NG BABY BOY, AYAW NANG MAGPABUNTIS ULI KAY ALWYN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 20 , 2021

Dahil pareho pa nilang mahal ang isa't isa, muling nagkabalikan ang showbiz couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.
Binigyan ng second chance ni Jennica si Alwyn na nakiusap na tanggapin siyang muli dahil mahal na mahal niya ang kanilang mga anak.
Natutuwa naman ang kanilang mga kaibigan dahil naka-survive sina Jennica at Alwyn sa mga pagsubok ng kanilang marriage. Dalawang babae ang anak nila at humihirit pa ng isang anak si Alwyn dahil gusto niya ng anak na lalaki. Pero, ayaw na nga ni Jennica na madagdagan pa ang kanilang anak.





Comments