Mister, balik-'Pinas… CARLA, GAME NANG MAKITA ULI SI TOM
ni Nitz Miralles @Bida | January 31, 2024

Sinagot ni Carla Abellana ang tanong ni Nelson Canlas ng 24-Oras tungkol sa pagbabalik sa bansa ni Tom Rodriguez at kung sakaling makaharap niya ang dating asawa, ready na ba si Carla na makita si Tom?
“I don’t feel intimidated, scared, nervous. Wala namang ganoon. Of course artista siya, may obligasyon siya. He’s a Kapuso. Darating naman talaga ‘yung day na babalik siya sa trabaho. Hindi naman maiiwasan ‘yan,” sagot ni Carla.
Alam din ni Carla na dahil pareho silang nasa showbiz industry ni Tom, hindi maiiwasang magkita sila.
“I think naman, okay lang. Ready naman ako. Hindi naman ako ‘yung type na, ‘Ay, ayoko' or avoidance or what,” pahayag ni Carla.
Samantala, ang Widows’ War ang first project ni Carla sa bagong pinirmahang kontrata sa GMA Network. Magte-taping na rin siguro ang team kahit airing pa ang Stolen Life dahil nag-look test na sina Carla at Bea Alonzo.
Nabanggit ni Ms. Lilybeth Rasonable ng GMA Network na marami pang gagawing projects sa network si Carla. Magaling daw na artista ang aktres at dapat lang na bigyan ng mga projects.





Comments