Miss U PH winner… HIRIT NG NETIZENS: BEATRICE, MUKHANG RETOKADA NA, MAY TATTOO PA
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 2, 2021

Trending ngayon sa social media ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez, ang 26-year-old Navy reservist na galing sa Cebu.
Marami kasi ang bumilib sa pagiging totoo ni Beatrice na proud na proud na umaming member siya ng LGBTQIA+ community at may karelasyon siya sa loob ng 6 na taon, ang disc jockey na si Kate Jagdon na isa ring byuting Cebuana.
Pinagpiyestahan nga ng mga netizens sa socmed ang mga larawan nina Beatrice at Kate na magkasama. Parehong maganda ang dalawa at marami ang humanga na tumagal sila nang 6 yrs.
Pero may ilang netizens ang humuhula at nagsasabing jinx sa relasyon ni Beatrice ang pagkakapanalong Miss Universe Phils. dahil kung papansinin daw, nakahiwalay ng mga previous winners ang kanilang mga nakarelasyon pagkatapos maiuwi ang korona.
Samantala, pinagtalunan din ng ilang netizens ang pagkakaroon ng tattoo sa braso ni Beatrice. Puwede na raw pala ngayon sa Miss Universe Phils. ang kandidatang may tattoo, na noon ay bawal na bawal.
May ilang inintriga rin ang kagandahan ni Beatrice at tanong nga nila, ano kaya ang ipinaretoke nito? At kung sakali, aaminin naman daw kaya ng Miss Universe PH 2021 winner?
Tingnan natin.





Comments