Misis, una raw nagka-dyowa… ALJUR, SINIRAAN SI KYLIE MAPASAGOT LANG SI AJ
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 6, 2023

Dismayado ang ilang fans ni Kylie Padilla kay Aljur Abrenica.
Ayon na rin kay AJ Raval, tinanggap niya ang pakikipagrelasyon kay Aljur dahil sinabi nito na may iba nang lalaki sa buhay ni Kylie.
Naniwala si AJ na wala na ngang ugnayan sina Kylie at Aljur kaya’t umaasa siya na mapapakasalan siya ng BF kapag naayos na nito ang problema nila ng kanyang estranged wife.
At ‘yun din naman ang hiling ni Jeric Raval (tatay ni AJ) kay Aljur. Gusto nitong pakasalan ni Aljur ang kanyang anak upang hindi maakusahan na kinukunsinti niya ang pakikipagrelasyon ni AJ sa lalaking may asawa na.
Para naman sa mga fans ni Kylie, tanggap na nila ang paghihiwalay ng mag-asawa. Alam naman nila na hindi na talaga maipipilit pa kung may problema ang kanilang pagsasama. Pero sana raw, hindi na siniraan pa ni Aljur ang kanyang estranged wife para lang magpa-good shot kay AJ.
Dapat pa ngang ipagpasalamat ni Aljur na inaako ni Kylie ang responsibilidad sa pagpapalaki sa kanilang dalawang anak. Hindi siya sinumbatan at inobliga nito kahit nagkukulang siya ng panahon na makasama ang dalawa nilang anak.
Mas nakatuon ang atensiyon ni Aljur kay AJ. Pero sabi nga ng mga nagmamalasakit kay Kylie, hanggang kailan tatagal ang relasyon ng dalawa? Magseseryoso na ba si Aljur kay AJ?!
Tingnan natin.





Comments