Misis, tindera ng sari-sari store… ROBIN, PROUD NA PROUD KAY MARIEL
ni Nitz Miralles @Bida | November 9, 2023

Finlex ni Sen. Robin Padilla ang asawa niyang si Mariel Padilla sa kanyang Facebook at ramdam na very proud siya sa misis.
“Ang masipag kong asawa. Walang arte. Hindi pasosyal. Proud na tindera sa sari-sari store sa panahon ngayon. Kumikita ng sarili at marami pang natutulungan kasama na ako.

"Congratulations my babe. Maraming-maraming salamat po sa mga tumatangkilik ng IA Worldwide. In shaa Allah ay tanggapin ng ating katawan ang magandang epekto ng kalusugan ng mga produktong ating iniinom dahil ang tunay na kayamanan ay ang ating magandang kalusugan.
Health is wealth.”
Hindi halatang nag-promote si Robin ng produktong ine-endorse ni Mariel. Saka, kami na ang naglagay ng period sa post ng senador na dire-diretso. Hehehe!





Comments