Misis, pinipigilan sa bisyo… CHIZ, TINAKPAN ANG MATA NI HEART HABANG NAGSA-SHOPPING
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 16, 2021

Maraming naaliw sa bagong uploaded video ni Heart Evangelista kung saan nagsa-shopping sila ng asawang si Chiz Escudero.
Sa video, makikitang nakatingin si Heart sa mga luxury items habang sila ay nasa isang boutique.
Biglang tinakpan ni Chiz ang mga mata ng kanyang misis.
“Pikit,” ang tanging nasambit ni Heart sa kanyang post.
Komento ng mga netizens sa video ng mag-asawa.
“‘Yung ang gastos ng asawa mo. Hahahaha! Bawat dadaanan na store, need mo takpan ‘yung mata."
“Sobrang cute n’yo!!!! Ang kulit!”
“I am laughing with Ms. Heart’s reaction when her husband covered her eyes. A body gesture of ‘Pigilan mo sarili mo sa nakikita mo.’ Hirap maging babae kapag usapang shopping,” sey naman ng isang netizen.
Sa isa pang video, mukhang sinisita ni Chiz ang kanyang misis. Naririnig niya kasing may kausap si Heart over the phone.
Pakiwari ng Sorsogon governor ay isang sales agent ang kausap ng misis.
Tumigil sa ginagawa ang aspiring senator at tiningnan si Heart. Parang tinatanong ni Chiz si Heart ng “Saan ka na naman nag-shopping?"
Simula't sapul pa naman ay kilala na ni Chiz ang weakness ng asawa — ang pagsa-shopping.





Comments