top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Misis ni Sen. Chiz, ginagaya raw sa pagrampa, etc. pero… PIA, KAY SANDARA LANG NAGPA-SELFIE, HINDI KAY HEART

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 7, 2024



                                                        

Hindi si Heart Evangelista kundi si Sandara Park ang nakasama ni Pia Wurtzbach sa larawan sa Paris Fashion Week. Kasama si Sandara na na-feature sa video ni Pia, na may short comment na, “We saw Sandara, that is so cool. I know you’ve been looking for her.”


Ipinost naman ni Sandara sa IG niya ang photo nila ni Pia at kahit hindi nabanggit ang beauty queen sa kanyang caption, masaya pa rin ang mga netizens. 


Busy kasi ang mga fans ni Sandara sa pagko-comment sa kanyang suot na hindi nagustuhan ng iba.


May mga nag-comment din na sana, may picture sila ni Heart Evangelista at hindi lang ‘yung kuha ng netizen sa isang show sa Paris Fashion Week. Ang ganda sanang makita silang magkasama sa larawan na parehong nakangiti para matigil na rin ang pagbabangayan ng mga supporters nina Pia at Heart na tila laging may isyu.


Heto nga at matatapos na lang ang Paris Fashion Week, ang isyu pa rin kay Pia ay ang panggagaya raw nito kay Heart. Lahat daw ng gawin at ginawa ni Heart, gaya ng pagbi-video habang nasa loob ng car, ay ginawa rin ni Pia. Pati ang paglalakad at pagrampa raw ni Heart, ginagaya ni Pia na inaalmahan ng mga fans ng beauty queen.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page