top of page
Search
BULGAR

Misis ni Richard, para-paraan… SARAH, WALANG KA-DATE, 'PANGGULO' NA LANG SA MAGDYODYOWA

ni Beth Gelena @Bulgary | February 18, 2024



May lovely post si Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account featuring Nadine Lustre at Christophe Bariou kung saan kasama siya. 


Sa larawan ay nagdi-dinner ang couple at makikita na may isang kamay na may hawak na glass of beverage. 


Ani ng celebrity mom, “Lovely dinner."


Dagdag pa niya, “Third wheel be like.” 


Ang larawan ni Nadine at ng boyfriend ay kuha nang mag-dinner sila sa beautiful Brazilian-Japanese restaurant na Uma Nota Manila na nasa Taguig. 


Hindi ito ang unang beses na nagmistulang third wheel sa celebrity couple si Sarah.

 

Last Valentine’s Day ay sa house nina Ellen Adarna at Derek Ramsay nagselebreyt ang estranged wife ni Richard Gutierrez. 


Sa Instagram Stories, makikita sina Sarah, Ellen at Derek sa posted snaps and clips na nagkakatuwaan.


Ang isa sa mga larawan na ipinost ni Sarah ay ang photo ng anak nila ni Richard na si Kai Gutierrez na nasa couch ng bahay nina Derek at Ellen. 


“Feel at home?” ani Lahbati. 


Aniya naman kina Derek at Ellen, "Kayo na sweet."


At least, hindi mag-isang nag-spend ng V-Day si Sarah.



 

Mahigit isang dekada nang magdyowa… EA AT SHAIRA, DEC. 2021 PA ENGAGED, 2026 PA MAGPAPAKASAL



Kakaiba ang relasyong Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz dahil sa kanila natin makikita ang forever, sa kabila ng maraming hiwalayan sa showbiz.


Tahimik lang ang relasyon ng dalawa at isa sa tawagan nila’y "Baba" na ibig sabihin pala sa Bisaya ay mahal. 


Sa Unang Hirit guesting ng couple, inamin nga nilang December 25, 2021 pa naganap ang marriage proposal ni EA kay Shaira. 


Pero kahit 3 yrs. nang naghihintay si EA, hindi siya naiinip dahil alam niyang marami pang gustong gawin si Shaira bago magpakasal.


Pagiging sweet at maalaga ni EA ang dahilan kung bakit nakuha niya ang matamis na “oo” ni Shaira.


Samantala, nagkakilala naman ang dalawa sa isang mall show mahigit isang dekada na ang nakararaan kung saan naikuwento ni Shaira sa Bawal Judgemental ng Eat… Bulaga! na biglaan lang naka-partner niya si EA sa sayaw. 


Then, ayon naman sa actor, hindi niya talaga gusto ang actress pero nu'ng pagbaba raw nito ng hagdan sa second mall show, napalingon siya at sinabi na maganda pala ito. 


After that, kinuha ni EA ang number ng actress then niligawan niya ito ng four months and the rest is history. 


Patunay sina EA at Shaira na ang isang dekada nilang magkarelasyon ay road to forever na talaga no matter what happens. 


Taong 2026 nila nasabing magpapakasal since may mga need pa silang asikasuhin at i-settle. 


Sa ngayon, bibida si EA sa upcoming GMA series na Lilet Matias: Attorney at Law.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page