top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Misis ni Matteo, 32-anyos na… SARAH, MINAMADALI NANG MABUNTIS

BULGAR
Mar 28, 2021
1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 28, 2021




Naging memorable at masaya ang 31st birthday celebration ni Matteo Guidicelli last March 26. Itinaon na rin kasi ito sa groundbreaking ng ipinatatayo nilang beach front house.


Mahilig sa dagat at water sports si Matteo kaya sa isang private resort sila nagpunta ni Sarah kasama ang kanilang mga kamag-anak at ilang malalapit na kaibigan.


Sa nasabing family outing ay binibiro-hinihiritan na sina Sarah at Matteo na mag-anak na rin. Thirty-two yrs. old na ang Popstar Royalty kaya kailangan na niyang paghandaan ang kanilang baby project ni Matteo. Mahihirapan na raw mag-anak pa si Sarah kung lalampas pa siya sa late 30s.


Well, siguro ay tinatapos na ni Sarah ang mga natanggap na commitments. 'Pag libre na ang kanyang schedule, makakapagpahinga na siya.


Bukod sa pagpapakasal, isa sa mga pangarap ng isang babae ay ang pagkakaroon ng anak na kukumpleto sa kanyang buhay. Iba ang hatid na saya at fulfillment ng pagiging ganap na ina. At 'yan ang pinakahihintay ni Sarah Geronimo.








Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page