top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Misis ni Chiz, lantaran na… HEART, SA DAMIT IDINADAAN ANG PAGSUPORTA KAY VP LENI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 22, 2022





Habang papalapit ang 2022 national elections, isa-isa na ring naglalantad ng pagsuporta ang mga sikat at malalaking celebrities natin sa presidentiable at vice-presidentiable na gusto nilang iboto.


Kung matatandaan, ang most recent na nagpahayag ng suporta sa tambalang VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan ay si Nadine Lustre matapos nitong i-post sa kanyang IG Story ang billboard nina Leni at Kiko.


Ngayon, maging ang misis pala ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na si Heart Evangelista ay lumantad na rin na isa siyang "kakampink".


Sa kanyang Instagram account, nag-post ng video si Heart na nagsusukat ng mga pink na damit na sinamahan niya ng caption na: “On Wednesdays, we wear pink.”


Kunsabagay, hindi naman kataka-taka na si VP Leni ang suportahan ni Heart sa mga naglalabang presidentiables dahil kababayan ito ng kanyang mister na si Gov. Chiz at pareho silang Bikolano.


So, alam na natin na 'pag Wednesday, it's pink outfit for Heart!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page