Misis ni Chiz, ikaw na! HEART, KUMAKAIN LANG NG FRIED CHICKEN, TODO-DISPLEY PA SA DIAMOND RINGS,
KUWINTAS AT HIKAW
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 15, 2021

Ibang klase naman talaga itong misis ni Governor Chiz Escudero na si Heart Evangelista.
Aba, pagkatapos mag-viral ang post niyang ‘yayamaning’ straw na sa Divisoria lang naman daw niya nabili, heto at ang pagkain naman ng fried chicken na ipinost ng Kapuso actress ang nagte-trending.
Nawindang ang mga netizens sa style niya ng pagkagat sa fried chicken. Classy daw talaga ang actress, ultimo ang mga simpleng bagay na kanyang ginagawa ay sosyal ang dating sa mga netizens.
Nag-post kasi si Heart ng isang half-faced selfie habang may kagat na fried chicken ng isang sikat na fastfood na kanyang ineendorso.
Pero ang mas nakaagaw sa pansin ng mga netizens ay ang suot niyang malaking diamond ring, necklace at earrings.
Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens:
"Girl! U Make eating fried chicken looking so high-end."
"Can you teach us how to eat chicken with klazzzz?"
"Chicken pa lang talaga ang afford ko ngayon sa lahat ng nai-post mo, Miss Heart."
"Bakit nu'ng ikaw na humawak, parang may diamonds 'yung chicken? Justice, please."
"I'm sure, gagayahin na naman 'to, from softdrinks to chicken."
"Okay, Heart, ini-level-up mo na naman mga simpleng bagay kagaya ng manok."
"Grabe! Ikaw lang talaga, Heart Evangelista, ang nakakagawa ng ganyan."





Comments