Misis mo, John, napuno na raw… PRISCILLA, KUMOKONSULTA NA SA ABOGADO
- BULGAR

- Jul 17, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 17, 2024

Lumikha na naman ng bagong intriga ang mga bagong pahayag kahapon ng misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa kanyang Facebook (FB) Live.
Kasalukuyang nasa Brazil ang dating beauty queen kasama ang anak nila ni John at panay naman ang update niya sa kanyang FB followers ng mga ganap nila sa bayang sinilangan.
Sa live update niya last Sunday ay marami siyang nasabi na siyang pinagmulan na naman ng espekulasyon na mukhang may marital problems uli sila ni John.
Isa sa kanyang mga pahayag ay napuno na raw siya bagama’t wala naman siyang detalyeng tinukoy.
Nabanggit din niya na naroroon sila ng anak para magbakasyon at uuwi rin naman sila ng Pilipinas.
Nasabi rin niyang gusto niyang mag-isip-isip din tungkol sa future nila ng kanyang anak, kaya siya lumayo muna.
Kahapon (Tuesday) ay may bagong live session ang misis ni John at dito ay kaswal niyang nasabi na may meeting daw siya sa kanyang abogado.
Aniya, “I have great news that my lawyer, she just gave birth, so, bukas, may meeting kami.”
Sey pa niya, “So tomorrow, I’ll visit her, she’ll be home already. So, I need to move our meeting to tomorrow. Grabe, ang sipag n’ya, ha, may meeting kaagad s’ya, may trabaho kaagad s’ya,” sabay-tawa.
Hindi na nagbigay pa ng detalye ang dating beauty queen kung bakit siya makikipagkita sa abogado, kaya pinagmulan na naman ito ng mga bagong espekulasyon, lalo pa nga’t nabuhay na naman ang separation rumor nila ni John Estrada.
Sa dulo ng video ay sinabi niyang, “What I can tell you is that everything happens for a reason and I’m the type of person that I walk my talk.”
Puring-puri ni Direk Roman Perez, Jr. ang bagong talent ng 3:16 Media Network na si Itan Rosales at para sa kanya, ang newbie actor ang next Jay Manalo.
Habang iniinterbyu kasi namin si Itan pagkatapos ng show nila ng VMX 5 last Saturday ay biglang humirit ng sigaw si Direk Roman at aniya, “Jay Manalo ‘yan! ‘Yan ang next Jay Manalo! Balahibong Pusa!”
Kinilig naman si Itan sa sinabi ng direktor at sey niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
“‘Di ko po alam, eh, ako lang po si Itan Rosales,” nahihiya niyang sabi.
Sey pa niya, “Nakaka-pressure naman po.”
Asked kung totoong ire-remake niya ang pelikulang Balahibong Pusa na pinagbidahan nina Jay Manalo at Joyce Jimenez, sagot niya, “Totoo ba? Thank you, Direk!”
Masayang-masaya naman si Itan sa mga opportunities na dumarating sa kanya, lalo pa nga’t mukhang ginu-groom siya talaga ng 3:16 Media Network na maging next important star.
Well, tatlo ang pelikula niyang sunud-sunod na siya ang bida tulad ng Hiraya na palabas na ngayon sa Vivamax, Kaskasero with Christine Bermas and Angela Morena at ang Uhaw with VMX Queen na si Angeli Khang.
“Sobrang thankful na sobrang busy ako ngayon. Ang ginagawa ko na lang, tanggapin ‘yung mga work, siyempre, basahin muna ‘yung script with my manager (Len Carillo). Pagkabasa namin ng script and kung okey naman po ‘yung mga eksena, tatanggapin po namin,” aniya.
In fairness kay Itan, kahit busy siya ay hindi niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral. He’s now first year college at talagang pinipilit daw niyang pagsabayin ang kanyang studies at pag-aartista.




Comments