top of page

Misis mo, Dingdong, may pasabog… MARIAN, KABIT NG PRESIDENTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 15, 2026



Marian Rivera sa Behind Closed Doors sa Prime Video - Instagram

Photo: Marian Rivera / Behind Closed Doors sa Prime Video / Instagram



Nag-viral agad sa social media at naging trending topic sa mga netizens ang announcement kahapon sa Prime Video event na gaganap na president’s mistress si Primetime Queen Marian Rivera sa bagong TV series na kanyang gagawin under the said online streaming app.


Pasabog nga naman kasi ang bagong role ni Marian at talagang intriguing hindi lang kung paano niya aatakehin ang kanyang papel na bida-kontrabida bilang kabit ng presidente kundi pati kung sino ang babagay na maging leading man niya at maging ang gaganap na legal wife.


Ang dami na ngang suggestions ng mga netizens kung sino ang puwedeng gumanap bilang Mr. President like sina Gabby Concepcion, Albert Martinez, Aga Muhlach, at may nagsabi pang Dingdong Dantes na mister ni Marian.


But of course, malabong si Dingdong ang kunin sa role na Mr. President dahil may pagbibidahan ding Master Cutter TV series ang Primetime King ng GMA-7.


Wala pang ibang detalyeng inilabas sa pagbibidahang serye ni Marian, pero ngayon pa lang, ang dami-dami nang naiisip ng mga netizens, sign na excited talaga sila dahil kakaiba at mature role na nga naman ang gagawin ni Marian.


Agree rin kami na tinanggap ni Marian ang challenging role na ito dahil after ng ginawa niya sa Balota movie, dapat lang talaga na hindi na putchu-putchu roles lang ang gampanan niya. 


Mas aangat at makikilala ang kanyang pagka-aktres kung tulad ng kanyang mister na si Dingdong Dantes ay hindi siya matatakot na tumanggap ng mga kakaibang roles na tatatak sa kanya.


Malaki ang expectation kay Marian Rivera sa showbiz dahil sa kanyang stature at title bilang Primetime Queen ng GMA-7. Bagama’t marami na siyang napatunayan, mas madaragdagan ang paghanga at pagkilala sa kanya sa industriiya kung maaabot niya ang kasikatan at mga naging achievements nina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, National Artist Nora Aunor, Megastar Sharon Cuneta at Diamond Star Maricel Soriano.





Ala-KC ang misis mo, Chiz…

HEART, NAGDE-DESIGN NA RIN NG ALAHAS



May bagong mundong ginagalawan ang fashion icon na si Heart Evangelista.

Bukod sa pagiging aktres, international model, endorser, painter at influencer, pinasok na rin ni Heart ang pagde-design ng mga jewelries tulad ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion.


Napapakinabangan talaga ni Heart ang pagiging artist niya at hilig sa mga alahas dahil for sure, sa ganda ng taste ni Heart bilang fashion icon, mga sosyal at pang-global designs ang magagawa niya na hindi malayong mapansin at maging mabenta hanggang sa ibang bansa.





At sa lakas ng hatak ni Heart bilang effective na endorser-influencer, baka kahit hugis-lata lang na pendant ng kuwintas ay maibenta niya nang mahal kapag siya na ang nag-design at nagsuot.


Well, tama lang na maging productive si Heart dahil marami siyang talento at kadatungan na puwede niyang gamitin para sa bago niyang kinakarir. 


Kesa magpaapekto sa mga bashers niya, patunayan niya na lang na kaya niyang kumita on her own at hindi niya kailangang dumepende sa yaman ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.


Sa dami ng fashionista at maaarte sa ‘Pinas, for sure, may market si Heart kung gagawin niyang business ang pagde-design ng alahas.





Opisyal nang nanumpa kina Bulacan Gov. Daniel Fernando at Vice-Governor Alex Castro ang mga bagong opisyal ng The Entertainment Arts & Media (TEAM), isang organisasyon ng mga showbiz editors, kolumnista, photographer, publicist, at talent managers.


Ang mga bagong opisyal na sina Noel Orsal (Pangulo), Edilberto “Obette” Serrano (Pangalawang Pangulo), Audie “See” Ochagabia (Kalihim), Sany Chua (Ingat-yaman), Nimfa Chua (Katulong na Ingat-yaman), Nonie Nicasio (Auditor), Danny Vibas at Adjes Carreon (PRO) ay nanumpa noong Lunes, Abril 13, sa harapan nina Gov. Daniel at Vice-Gov. Alex sa kanilang opisina sa Bulacan Provincial Hall sa Malolos upang opisyal na masimulan ang pagtupad sa kanilang mga tungkulin.


Si Orsal ay dating katulong na ingat-yaman ng organisasyon bago nahalal bilang pangulo. 


Nagsimula sa showbiz bilang photographer, sa paghikayat ng mga editors, nadiskubre niyang kaya rin niyang magsulat sa diyaryo. Nagbukas din ito ng oportunidad sa kanya tulad ng PR at production management, pag-arte sa local at international film.


Ang bagong VP na si Direk Obette naman ay apat na dekada na sa tri-media (print, television, radio). Nagsimula siya sa writing profession sa showbiz via Kislap fan magazine at eventually, bilang columnist-contributor sa ibang tabloids gaya ng People’s Journal at People’s Tonight


Sa kanyang tenth year sa showbiz, naging radio-TV reporter siya sa ABS-CBN's TV Patrol at Radyo Patrol sa DZMM. 


Naging direktor din siya ng live concert, awards night, at iba pang entertainment events sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. 


Si Ochagabia ay first time nahalal bilang kalihim, pero veteran practitioner na sa entertainment media. Nakapagdirek na rin siya ng mga concerts, naging talent coordiinator at writer sa magasin at tabloid at talent manager.


Si Sany Chua naman ay isang photojournalist sa entertainment beat na matagal nang kinikilala sa ABS-CBN sa loob ng ilang dekada. 


First time rin ni Nimfa Chua na mahalal bilang opisyal ng TEAM. Naging aktibong bahagi rin siya ng ABS-CBN bilang professional photographer.


Ang auditor na si Nonie Nicasio ay naging pangulo ng TEAM sa loob ng ilang taon at siya rin ang nagtatag ng organisasyon. 


Sina Carreon at Vibas, na parehong nahalal bilang PRO, ay mga batikang entertainment journalists.


Lubos na nagpapasalamat ang mga opisyal at miyembro ng TEAM kina Gov. Fernando at Vice-Gov. Castro sa mainit na pagtanggap sa kanila sa lalawigan ng Bulacan. 

Nagpapasalamat din sila kina Fernan de Guzman (presidente ng PMPC) at Joey Sarmiento sa suporta at pag-alalay sa TEAM.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page