top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Misis mo, Chiz, trying hard… HEART, TODO-BLEACH NG KILAY MAGMUKHA LANG TISAY

BULGAR
Jul 18, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 18, 2021



Noong nasa kanyang early 20's daw si Heart Evangelista ay hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging image at fashion statement. Pabagu-bago siya ng style at sunod lang nang sunod sa uso. Wala siyang sariling identity o trademark na magpapaiba sa kanya sa kanyang mga co-stars.


Kuwento pa ni Heart, madalas niyang i-bleach ang kanyang kilay para magmukhang foreigner.


Pero, nang magkaroon siya ng oportunidad na maka-attend sa Paris Fashion Week at ganoon din sa New York, nagkaroon na siya ng idea na babagay sa kanyang outfits na akma sa kanyang personalidad. Alam na niya ngayon kung ano ang gusto niyang style.


May mga nakilala na rin siyang mga sikat na fashion designers at naging cover na ng mga fashion magazines.


Trademark na ni Heart ang all-white outfit. Marunong na rin siyang mag-mix and match ng kanyang wardrobe.


Kaya naman, kahit galing sa ukay-ukay ang kanyang suot ay keri niyang irampa at nagmumukhang classy at mamahalin.


Parehong fashionistas ang parents ni Heart kaya simula noong teen-ager siya ay puro branded ang kanyang mga damit at gamit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page