Misis mo, Chiz, tinalbugan si Jinkee… P10 M PLUS NA ALAHAS, SUOT NI HEART SA BEACH
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 14, 2021

After pagpiyestahan ang milyones na outfit ni Jinkee Pacquiao sa huling laban ng kanyang mister na si Manny Pacquiao sa USA, mukhang may bagong pupulutanin ang mga Marites sa social media — si Heart Evangelista!
Eh, jusko naman kasi, nakakalula talaga at mapapanganga ka na lang nang bongga-bongga kapag narinig mo kung magkano ang suut-suot na alahas ni Heart nang rumampa sila ng mister na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa Balesin para sa kanilang bonding moment-honeymoon.
Mahigit P10 million… yes, you heard it right, more than P10 million… ang amount ng kinalkulang suut-suot na mga alahas ni Heart tulad ng 6 na Cartier bracelets, watch and necklace!
And take note, hindi pa kasama d'yan ang Hermes bikini ni Heart at ang sosyal niyang Louis Vuitton sunglasses.
Ohhh, 'di ba?! Rarampa lang sa beach si Heart niyan at hindi pa a-attend sa isang sosyal na party, ha?
So, mas bongga pa siya kay Jinkee Pacquiao!





Comments