top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Misis, kaya 'di pina-stop sa showbiz… MATTEO, DAMAY SA SUWERTE NI SARAH SA CAREER

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2024
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 19, 2024




Sa Instagram ni Matteo Guidicelli, ibinahagi niyang parati raw niyang ka-bonding ang misis na si Sarah Geronimo at ang younger brother na si Paolo Guidicelli.


Ipinost niya ang larawan nilang tatlo habang nasa loob ng kotse at nagkakasiyahan. 


Ang caption ng actor: “Always with these two.” 


Makikita pa nga sa social media account ng actor na halos ang naka-post niyang larawan ay kasama ang Popstar Royalty, along with his brother, Paolo. 


Kamakailan lang ay may ipinost si Matteo sa kanyang IG na video nina Sarah at Rochelle Pangilinan kung saan nagsasayaw ang dalawa ng Spaghetti song ng dating Sexbomb Dancers. 


Recently din ay naging busy sa concert ang singer with Bamboo sa Bago City, Negros Occidental na naging successful naman.


Nitong nakaraang linggo ay pinarangalan ang singer bilang Global Force award mula sa Billboard Music sa Los Angeles, California. 


‘Di makakaila na napakasuwerte ni Matteo dahil lahat ng success na natatanggap ngayon ni Sarah ay ka-share siya. 


Kaya naman, hindi niya pinipigilan ang misis na ipagpatuloy ang career nito kahit kasal na sila at suportado niya ang mga ginagawa ni Sarah. 


Pero ang gustong malaman ng mga fans ay kung matutuloy pa ba ang reunion movie project nina Sarah at John Lloyd Cruz?


Tiyak na big hit na naman daw kasi kapag gumawa ng bagong pelikula ang dalawa. 


Hindi kaya pagselosan ni Matteo si John Lloyd?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page