Milyones daw ang kita sa pagba-vlog… SMALL LAUDE, KINABOG NI IVANA SA DAMI NG PERA
- BULGAR

- 19 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 8, 2026

Photo: Small Laude at Ivana Alawi - YT
Sa lahat ng naka-collab niyang celebrities, si Ivana Alawi ang tanging napuri ng sikat at rich vlogger na si Small Laude. Mabait at napaka-down-to-earth daw kasi ng vlogger-aktres.
At may nakakatuwa siyang experience nang magkasama sila. Nu’ng nasa mall daw sila ay may nagustuhang bilhin si Small Laude na item, pero ang dala lang niyang cash ay P3 thousand lang. Hindi kasya sa presyo ng nagustuhan niyang item.
Nag-volunteer si Ivana na siya na ang magbabayad. Ang dalang pera ni Ivana sa kanyang bag ay P30 thousand. Namimigay kasi si Ivana sa mga taong dapat na tulungan. Kahit saan siya magpunta, kapag may lumapit na humihingi ng tulong ay binibigyan niya ito. Wala siyang pinipili sa mga taong kanyang inaabutan.
Naaliw lang si Small Laude dahil siya na super rich ay P3 thousand lang ang laman ng bag, samantalang si Ivana ay may P30K cash sa bag. Kinabog talaga siya!
Samantala, nalaman din ni Small Laude na milyones ang kinikita ni Ivana Alawi sa kanyang pagba-vlog, at isine-share niya ito sa charity at sa mga taong kanyang tinutulungan.
Bukod sa Best Actor…
ECHO, NAGTATALON SA STAGE NANG MAG-BEST PICTURE ANG QUEZON
SAYANG at hindi nakunan ng mga press photographers ang reaction ni Jericho Rosales sa stage nang i-announce na ang nanalong Best Picture sa 9th Eddys ay ang pelikulang Quezon na kanyang pinagbidahan.
Parang bata na talon nang talon sa stage ang aktor dahil sa sobrang tuwa.
Bago pa ang announcement ng Best Picture ay nanalo na siya bilang Best Actor sa kanyang mahusay na pagkakaganap bilang si Manuel L. Quezon. Ang saya-saya niya nang tanggapin ang kanyang Best Actor trophy at halos hindi siya makapagsalita.
Sobra ang hirap na pinagdaanan niya habang ginagawa ang pelikula. Dito nasubok nang husto ang kanyang galing sa pag-arte. Maging ang buong cast at production crew ng Quezon ay nagsabing napakahirap ng kanilang naging experience sa pelikula.
Well, ngayon ay bawing-bawi ang kanilang pagod at hirap dahil nanalong Best Picture ang Quezon at sa kanila rin galing ang Best Actor.
‘Yun ang dahilan kaya parang batang nagtatatalon sa stage si Jericho Rosales nang manalo ang kanilang pelikula.
NAKIKITA namin kay Will Ashley ang dedikasyon na nakita rin namin noong nagsisimula pa lang si Joshua Garcia.
Sila ang mga artistang seryoso sa trabaho at kinakarir nang husto ang kanilang larangang pinasok.
Hindi sila maangas at maporma kumpara sa ibang baguhang artista na nauuna ang yabang kahit wala pang napapatunayan.
At tama lang na pinagbida na ng GMA Network si Will sa upcoming seryeng Delivery Boi (DB). May Best Supporting Actor award na siyang maipagmamalaki dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Bar Boys 2: After School (BBAS).
Ito pa lang ang simula sa pag-abot ni Will ng kanyang mga pangarap. Malayo pa ang mararating ng kanyang career. Huwag lang sanang magbabago ang kanyang ugali at manatiling humble at professional sa trabaho.
Nahasa siya nang husto sa pag-arte, nakita ito dahil markado ang kanyang role sa pelikula kaya hindi na nagulat ang lahat nang manalo siyang Best Supporting Actor sa 9th Eddys.
Sa una pa lang ng pagsabak ni Will Ashley sa showbiz ay kinakitaan na siya ng husay sa pag-arte. Sineryoso niya ang kanyang career kaya nabibigyan siya ng mga challenging roles.





Comments