MICKEY, NALUNGKOT AT TODO-HINAYANG KAY ARCHIE

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 13, 2026

Photo: Archie Alemania, Gee Canlas at Mickey Ferriorls - Ogie Diaz YT - Julius Babao YT
Nalungkot ang ex-partner ni Archie Alemania na si Mickey Ferriols sa mga kinasangkutang isyu ng aktor dahil hindi nakakaganda ng imahe lalo’t nagtatanong ang anak nilang si Brent Marcus Alemania na edad 21 na ngayon.
Kung matatandaan, unang nasangkot si Archie sa kontrobersiya matapos kasuhan ng acts of lasciviousness ng Kapuso singer na si Rita Daniela.
Lately naman, ang misis ni Archie na si Gee Canlas ang nagsalita para ikuwento ang mga pang-aabusong naranasan sa aktor.
“It makes me really sad, super nakaka-sad. Nakakahinayang (but) it’s not really my place to talk about it, but it does affect me when I watch, of course! It makes me sad kasi nanghihinayang ako, ang daming chances, he had a lot of opportunities. Sayang, ‘yun lang talaga, nasasayangan ako,” saad ng nanay ng anak ni Archie.
Napanood daw lahat ni Mickey ang interviews tungkol kay Archie at hindi niya alam na napanood din pala ito ni Brent at tinatanong siya tungkol sa tatay nito.
“Kasi I don’t want Brent to see him na (mahina), so, I would encourage him after hearing a part of the story.
“Nagtatanong. Well, your dad’s mistake is not your (mistake). Kasi gusto ko munang malaman niya na ‘Magkaiba kayo. People make mistakes, we have to forgive but at the end of the day, it’s for HIM (to decide),’” esplika ni Mickey.
Nagsimula ang pag-iibigan nina Archie at Mickey noong nagkasama sila sa Magandang Tanghali Bayan o MTB.
Aniya, “They got him as a segment host kasi sikat ‘yung commercial niyang Chippy, then nakikita naming magaling sumayaw.”
Ano nga ba ang ugali noon ng aktor?
“Very happy-go-lucky! Friendly, nagpapatawa siya ‘pag on-cam, off-cam very shy, pero magalang. Ganu’n ‘yung dating niya. We were together siguro close to 4 years.
“‘Yung persona kasi niya, parang may swag, he has a certain swagger. Alam ko, maraming may crush sa kanya during that time. Apparently, the writers of MTB knew about him, tapos parang nakikita nila na kinilig-kilig ako, tapos sabi ng writers, ‘Ms. Micks, may anak na ‘yun!’ I didn’t care, ‘yun yata ‘yung (ugali ko) ‘pag bata,” kuwento ni Mickey.
Hanggang umabot na sila ng apat na taong magkasama sa iisang bahay, pero nauwi rin sa hiwalayan, although binibisita naman daw lagi ni Archie ang anak nila.
“When Brent is very young, regularly every Sunday, he would make sundo him. They would go out with his two other kids, hindi ko ‘yun inilayo kay Brent, kasi kailangan ni Brent ng tatay.
“‘Yun ang thinking ko noon, kailangan ni Brent ng tatay at nanay, so, okay, go ahead. We may not be together but you know, I don’t need you but my son needs you, so, walang kaso ‘yun,” balik-alaala ni Mickey.
At masayang sinabi ng ex-partner ni Archie na, “Mas okay (nu’ng naghiwalay), mas okay kami, kasi I just saw him as a friend. Nagkukuwento pa ‘yan ng mga girlfriends niya.
“As in, wala na talaga and after the breakup, his mom tried to ano also, na go back, ganyan, kaya lang, na-realize ko na it’s not gonna work. So, nu’ng hindi na kami (magkarelasyon), mas okay na,” kuwento ng single mom.
Samantala, abala si Mickey sa kanyang pagpipinta at may exhibit siya sa NAMI Art Gallery, White Plains, Katipunan Avenue, Quezon City.
Ayaw nang magbigay ng komento ni Mickey tungkol sa isyu ni Archie kina Rita Daniela at Gee Canlas dahil hindi niya ito istorya.
BONGGA ang panonood ng primetime shows sa ABS-CBN sa ALLTV2 dahil mahigit 500 Kapamilya na ang nanalo sa pagsali sa mas pinasayang “Tutok 2gether” simula nang inilunsad ang promo noong Hulyo 27.
Puwede pang manalo ng libu-libong cash prizes hanggang Setyembre 18 sa pagtutok sa primetime programs sa ABS-CBN sa ALLTV2 mula Lunes hanggang Biyernes.
Simulan ang gabi sa mga napapanahong balita at impormasyon sa TV Patrol ng 6:30 PM. Subaybayan ang kilig at aksiyon nina Coco Martin at Julia Montes sa Coco Martin’s Sigabo ng 8 PM. At huwag palampasin ang matitinding rebelasyon at pasabog sa Someone, Someday tampok sina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador ng 8:45 PM.
Para makasali sa exciting promo, abangan ang karakter sa lucky coin na lalabas sa alinman sa tatlong palabas na nabanggit, i-scan ang QR code o mag-log-in sa joinnow.ph para ipasa ang sagot, at kumpletuhin ang registration form para ma-secure ang entry.
Baka ikaw ang susunod na suwertehin at maging isa sa 20 daily winners ng tig-P2,000 at two weekly winners ng tig-P25,000 sa pagsali sa “Tutok 2gether” sa ABS-CBN sa ALLTV2.





Comments