MICHAEL V., 'DI KAILANGAN ANG BIG STARS SA SITCOM
- BULGAR
- Oct 21, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 21, 2023

Bentang-benta sa mga viewers ng sitcom na Pepito Manaloto ang role ni Michael V. na isang mabait at ideal husband pero TAKUZA sa misis na si Elsa (Manilyn Reynes).
Simpleng-simple lang ang istorya ng bawat episode ng Pepito Manaloto pero marami ang naaaliw at nakaka-relate. At 'yun ang sikreto sa mataas na ratings ng PM.
Napakasimple ng atake ni Michael V. bilang si Pepito Manaloto. Natural na natural ang kanyang akting. Malakas ang chemistry nila ni Manilyn Reynes at hindi na kailangan ng PM ang mga big stars na guests.

Sa cast pa lang ng PM ay sulit nang pang-akit ng mga viewers.
Saktung-sakto lang din ang mga empleyado ng PM Mineral Water na sina Chariz Solomon, Maureen Larrazabal, Pekto (John Feir) atbp..
Okey din ang partisipasyon ng mga kasambahay nila ganu'n din ang driver ni Pepito na si Robert (Arthur Solinap). At sina Jake Vargas at Angel Satsumi ay para na ring tunay na anak nina Michael V. at Manilyn Reynes.





Comments