top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Miado, sakalam pa rin vs. Miao Olsim, "charge-to-experience"

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | November 6, 2021





Walang ibang nasa isip si Team Lakay women stalwart Jenelyn Olsim kundi ang magpalakas pa makaraang mabigo sa huling laban niya bilang replacement fighter sa nagdaang ONE: Nextgen.


Sa bisa ng unanimous decision ng judges, nagwagi si Indian Ritu Phogat laban sa Pinay na humalili lamang sa orihinal na kalaban sana ni Ritu para sa sa semifinals ng Atomweight division. "I think I could've done better if mas maaga ko lang nalaman 'yung makakalaban ko," aniya sa ONE media conference dahil na rin sa biglaang pagsabak niya vs. dating Olympian.


Kung nabigyan siya ng mahaba-habang panahon na makapag-ensayo pa ay maipakikita niya ang dominasyon sa laban sa Singapore Indoor stadium.


Isa rin kasing world-class wrestler si Phogat at ilang ulit ding na-takedown ang Pinay bagamat nakakahulagpos si Olsim ay umiibayo ang puntos ni Ritu. Maituturing na lang ng 24-anyos na si Olsim na isang mabigat na karanasan ang laban at hindi niya pinagsisihan ang pagsabak kahit na kahalili lang sa bakbakan. “I am proud of my performance. It was like four days of notice. My opponent changed so some of our game plan changed, but I was very excited because this is the Grand Prix,” proud niyang sinabi.


Hindi naman ikinagulat ni Jeremy Miado na haharapin siyang muli sa rematch ni Miao Li Tao ng China.


Inaasahan na niyang tatapatan ni Miao ang pagiging superior striker niya at babawian siya sa ground.

Pero mali si Miado nang akala dahil noong unang pabagsakin niya si Miao sa flying knee, lupit naman ng kanyang mga kamao ang ipinatikim sa tsekwa. "'Di ko ineexpect iyon, ang inieexpect ko pwede niya akong libangin sa striking bago magtake down... Pero nagulat po ako sumabay. Hindi ko inexpect yun nakapagsabayan siya ng striking," ani Miado, na pinag-ibayo ang MMA record sa 9-4."Advantage po sa akin 'yun kasi striker talaga ako eh." Nagwagi si Miado via technical knockout..


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page