top of page

Mga waging ‘manok’ ni PBBM, wa’ sa thanksgiving party, anyare?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2025
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 19, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MALAMANG KUMASA SI CONG. PULONG KAY CONG. ROMUALDEZ SA SPEAKERSHIP NG KAMARA -- Sinabihan ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang kanyang kuya na si Davao City Rep. Paolo Duterte na labanan sa speakership si Leyte Rep. Martin Romualdez sa pagbubukas ng 20th Congress.


Alam naman natin na majority ng mga kongresista ay pro-Romualdez, pero may posibilidad din talaga na kumasa si Cong. Pulong kay Cong. Romualdez para lang ipamukha ng mga Duterte sa Malacanang na hindi sila natatakot na labanan ang “manok” ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa speakership ng Kamara, period!


XXX


HINDI KAYA ‘NAPA-ARAY’ SI PBBM SA STATEMENT NI VP SARA PARA SA MGA BAGONG GRADUATES NG PMA? -- Nanawagan si VP Sara sa mga bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na huwag maging kasangkapan ng pagmamalabis, pagtatraydor at pagpapahirap ng mga nasa kapangyarihan.


Wala man pinangalanan, pero malamang “napa-aray” si PBBM sa statement na ito ng bise presidente, kasi sa totoo lang ay tila siya (PBBM) ang pinatatamaan ni VP Sara sa panawagan niyang ito sa PMA graduates, boom!


XXX


MGA NANALONG ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR, PAPANIG NA KAYA KAY VP SARA? -- Sa thanksgiving party ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” para sa mga nagwaging kandidato sa pagka-senador ng Marcos admin ay tanging si Sen. Lito Lapid lang ang dumalo, wala sina Sen. Pia Cayetano, former Sen. Tito Sotto, former Sen. Ping Lacson, incoming Sen. Erwin Tulfo at incoming Sen. Camille Villar.


Ang tanong: Hindi naman kaya ang pang-iisnab nina Pia, Sotto, Lacson, Erwin at Camille sa thanksgiving party ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” ay indikasyon na tablado na sa kanila si PBBM at kay VP Sara na sila papanig? Abangan!


XXX  


MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN, POSIBLENG DULOT NG BIGTIME OIL PRICE HIKE -- Inanunsyo ng Dept. of Energy (DOE) na bukas (Martes) ay tataas na naman daw ang presyo ng mga produktong petrolyo, na ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina ay P1.30, sa diesel ay P1.80 at ang kerosene ay P1.30.


Aba’y kung ganyan kalaki ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo bukas, ang tawag diyan ay bigtime oil price hike.


At dahil diyan, asahan nang tataas na naman ang presyo ng mga bilihin at bayarin, kasi nga ang kabuntot ng bigtime oil price hike ay pagtaas din ng inflation rate, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page